1) "Besides kahit saang record mo tingnan, Mondragon ang apelyido ko. Hindi mo na mababago iyon.", ang sabi ni Cassie."You're a fake Mondragon! Kahit kailan, kahit anong gawin mo hinding-hindi ka namin magiging kadugo!", sagot ni Marga. "Sa tingin mo may mababago sa Tantrums mo Marga? Grow up!", sabi naman ni Cassie. Batay sa mga dayalogo, anong uri ng tunggalian ang makikita dito? a) Tao laban sa Sarili b) Tao laban sa Tao c) Tao laban sa Lipunan 2) "Wow,ang ganda daddy. Marga, ang ganda oh" sabi ni Cassie sa kanyang daddy nang binigyan siya ng regalo. Ngumiti ng pilit si Marga. Naalala niya ang gusto sana niyang ipapabili sa kanyang ama ngayong pasko. Nakaramdam ng inggit si Marga sa regalong natanggap ni Cassie. Batay sa dayalogo, anong uri ng tunggalian ang makikita? a) Tao laban sa Sarili b) Tao laban sa Tao c) Tao laban sa Lipunan 3) "May titulo ka?" tanong ni Emilia. "Meron, gusto mo isampal ko sayo?" sarkastikong tanong ni Ivy. "Eh ako din eh may titulo, gusto mo isampal ko rin sayo to?" sagot ni Emilia. "Oh sige" biglang sagot rin ni Ivy. Batay sa nabasang dayalogo, anong uri ng tunggalian ang makikita dito? a) Tao laban sa Lipunan b) Tao laban sa Sarili c) Tao laban sa Tao 4) Umiiyak na tinitingnan ni Cardo ang wala nang buhay na katawan ng kanyang anak na si Ricky boy na nasa morgue. Habang inaalala niya ang kanilang alaala at pangarap niya para sa kanyang anak. Batay sa dayalogong nabasa, anong uri ng tunggalian ang makikita dito? a) Tao Laban sa Tao b) Tao Laban sa Lipunan c) Tao Laban sa Sarili 5) “Kukuha ba ako ng modyul ng aking anak o manonood na lang muna kami sa DepEd TV ng kanilang aralin, masama ang pakiramdam ko.” Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang makikita dito? a) Tao laban sa Sarili b) Tao laban sa Tao c) Tao laban sa Lipunan 6) Ang _______ ang humuhubog sa katauhan ng pangunahing tauhan sa isang kwento. a) Tagpuan b) Tauhan c) Tunggalian 7) Ito ay isang uri ng tunggalian na ang kalaban ng pangunahing tauhan ay ang isa pang tauhan. a) Tao laban sa Sarili b) Tao laban sa Tao c) Tao laban sa Lipunan 8) Ito ay uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. a) Tao laban sa Tao b) Tao laban sa Lipunan c) Tao laban sa Sarili 9) Ang suliraning may kinalaman sa moralidad, paniniwala, o maging ang pipiliing aksyon o kilos, kung tama ba o mali, kung ito ba ay mabuti o masama ay isang halimbawa ng tunggaliang Tao laban sa Tao. Tama o Mali? a) Mali b) Tama c) Ewan 10) Ang protagonista laban sa antagonista, bida laban sa kontrabida, kabutihan kontra sa kasamaan ay isang halimbawa ng tunggaliang tao laban sa tao. Tama o Mali? a) Mali b) Ewan c) Tama

Leaderboard

Visual style

Mga Option

I-switch ang template

I-restore ang gi-autosave: ?