Gumuhit si Mhielle ng larawan upang maipakita ang kaniyang talento, ideya, at damdamin. Ano ang tawag sa mga likhang nagpapahayag ng ganitong kakayahan?, A. Kultura, B. Sining, C. Hanapbuhay, D. Kasaysayan, Si Mang Tonyo ay gumagawa ng mga larawan at si Aling Rosa naman ay lumilikha ng mga rebulto. Ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng ganitong uri ng likha?, A. Mananalaysay, B. Manunulat, C. Tagapangalaga, D. Alagad ng sining, Nakakita si Calvin ng isang likhang-sining na napakahusay at natatangi. Hinangaan ito ng maraming tao dahil sa ganda at husay ng pagkakagawa. Ano ang tawag dito?, A. Obra-maestra, B. Tradisyon, C. Mural, D. Pamanang kultural, Si Zhavia ay nagpinta ng palayan, mga puno, at mga magsasaka na parang tunay na nakikita sa totoong buhay. Anong estilo ng pagpipinta ang ginamit niya?, A. Eskultura, B. Okir, C. Realism, D. Batok, Si Blake ay nakakita ng isang napakalaking larawan na ipininta sa dingding ng paaralan. Ano ang tawag sa ganitong likhang-sining?, A. Obra-maestra, B. Mural, C. Lingling-O, D. Bulol, Si Francine ay gumagawa ng rebulto mula sa kahoy at metal. Anong uri ng sining ang kaniyang ginagawa?, A. Realism, B. Paghahabi, C. Pagpipinta, D. Eskultura, Siya ay isang tanyag na pintor na kilala sa makatotohanang paglalarawan ng kalikasan at buhay sa nayon. Sino siya?, A. Fernando Amorsolo, B. Juan Luna, C. Carlos “Botong” Francisco, D. Napoleon Abueva, Si Markous ay gumagawa ng malalaking larawang nagpapakita ng kasaysayan at buhay ng mga Pilipino. Kilala siya sa paggawa ng mural. Sino ang tinutukoy?, A. Guillermo Tolentino, B. Carlos “Botong” Francisco, C. Fernando Amorsolo, D. Juan Luna, Nagtulungan ang magkakapitbahay upang mailipat ang bahay ng isang pamilya sa ibang lugar. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita nila?, A. Realism, B. Katayuan, C. Pagdiriwang, D. Bayanihan, Si Mateo ay nag-aaral tungkol sa isang pintor at bayani ng Pilipinas na lumikha ng Spoliarium. Sino ang alagad ng sining na ito?, A. Napoleon Abueva, B. Guillermo Tolentino, C. Juan Luna, D. Carlos “Botong” Francisco, Si Portia ay bumisita sa Caloocan at nakita niya ang bantayog ni Andres Bonifacio. Sino ang kilalang eskultor na gumawa ng monumentong ito?, A. Fernando Amorsolo, B. Guillermo Tolentino, C. Napoleon Abueva, D. Juan Luna, Si Moleen ay nag-aaral tungkol sa isang eskultor na tinatawag na Ama ng Makabagong Eskultura ng Pilipinas. Sino siya?, A. Napoleon Abueva, B. Guillermo Tolentino, C. Juan Luna, D. Carlos “Botong” Francisco, Si Aegon ay nakakita ng mga tradisyonal na likhang-sining na nagmula sa mga kaugalian ng isang pangkat at ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ano ang tawag sa mga ito?, A. Makabagong sining, B. Realism, C. Tradisyonal na sining, D. Obra-maestra, Si Bianka ay nag-aral tungkol kay Apo Whang-Od, isang kilalang babaeng gumagawa ng tradisyonal na tattoo sa Kalinga. Ano ang tawag sa taong gumagawa nito?, A. Eskultor, B. Mambabatok, C. Muralista, D. Pintor, Si Andrei ay nagpaalam sa kaniyang guro tungkol sa tradisyonal na paglalagay ng tattoo sa balat gamit ang mga simpleng kagamitan. Ano ang tawag sa paraang ito?, A. Realism, B. Eskultura, C. Paghahabi, D. Batok, Si Margarette ay nakakita ng inukit na pigurang kahoy na may hugis-tao at iniuugnay sa paniniwala ng mga Ifugao tungkol sa palay at masaganang ani. Ano ang tawag dito?, A. Bulol, B. Lingling-O, C. Okir, D. Guryon, Si Noah ay nakakita ng isang sinaunang alahas na may hugis na parang letrang C. Maaari itong gawa sa jade o ginto. Ano ang tawag sa alahas na ito?, A. T’nalak, B. Batok, C. Lingling-O, D. Bulol, Si Monique ay nakakita ng magagandang kurba at disenyong hango sa mga halaman at kalikasan sa mga ukit sa kahoy at metal. Anong tradisyonal na disenyo ng mga Maranao ang inilalarawan?, A. T’nalak, B. Okir, C. Realism, D. Lingling-O, Si Rigs ay bumisita sa South Cotabato at nakakita ng telang hinahabi ng mga T’boli mula sa hibla ng abaka. Ano ang tawag sa telang ito?, A. Barong, B. Batok, C. Okir, D. T’nalak, Si Xiamara ay gustong maglaro sa labas. May dala siyang bagay na pinapalipad sa hangin gamit ang tali. Ano ang tawag sa kaniyang laruan?, A. Saranggola, B. Bulol, C. Lingling-O, D. Mural, Si Ethan ay nakakita ng malaking uri ng saranggola na kilala sa ilang lugar sa Pilipinas. Ano ang tawag dito?, A. Batok, B. T’nalak, C. Guryon, D. Okir, Si Renato ay kabilang sa isang pangkat na may sariling kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan. Ano ang tawag sa ganitong pangkat ng mga tao?, A. Pamayanang urban, B. Alagad ng sining, C. Pangkat ng manggagawa, D. Pangkat-etniko, Si Loida ay nakakita ng mga lumang likhang-sining, bagay, kaugalian, at tradisyong minana mula sa mga ninuno at ipinapasa sa mga susunod na henerasyon. Ano ang tawag sa mga ito?, A. Pamanang kultural, B. Makabagong teknolohiya, C. Pang-araw-araw na gawain, D. Obra-maestra, Si Renren ay nakatanggap ng pinakamataas na pambansang pagkilala dahil sa kaniyang natatanging ambag sa sining at kultura ng Pilipinas. Ano ang tawag sa pagkilalang ito?, A. Pambansang Bayani, B. Gawad sa Paglilingkod, C. Pambansang Alagad ng Sining, D. Natatanging Mamamayan, Si Chechet ay nag-aaral kung bakit mahalagang ipagpatuloy ang tradisyonal na paghahabi, pag-uukit, at iba pang sining ng iba't ibang pangkat-etniko. Ano ang pinakamahalagang dahilan?, A. Upang mapalitan ang lahat ng makabagong sining, B. Upang mapanatili at maipasa ang kultura at tradisyon sa susunod na henerasyon, C. Upang lahat ng pangkat ay magkaroon ng magkakaparehong tradisyon, D. Upang hindi na kailangang pag-aralan ang kasaysayan, Si Denden ay gustong malaman kung paano nakatutulong ang mga likhang-sining sa pagkilala sa komunidad at sa mga Pilipino. Alin ang pinakamahusay na paliwanag?, A. Ang sining ay para lamang sa palamuti ng mga gusali., B. Ang sining ay nagpapakita lamang ng talento ng pintor., C. Ang sining ay ginagamit lamang sa mga paligsahan., D. Ang sining ay nagpapakita ng kasaysayan, talento, paniniwala, at kultura ng mga Pilipino.

Classement

Style visuel

Options

Changer de modèle

Restauration auto-sauvegardé :  ?