1) Tinatawag ang _______________ ang salitang payak at walang panlapi. a) salitang walang ugat b) salitang ugat c) maylapi 2) _______________ ang tawag sa mga titik na ikinakabit sa salitang-ugat. a) ugat b) salita c) panlapi 3) Nasa unahan ng salitang-ugat ang panlapi. a) Unlapi b) Gitlapi c) Hulapi 4) Nasa hulihan ng salitang-ugat ang panlapi. a) Unlapi b) Gitlapi c) Hulapi 5) Nasa gitna ng salitang-ugat ang panlapi. a) Unlapi b) Gitlapi c) Hulapi 6) Nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat ang mga panlapi. a) Unlapi b) Kabilaan c) Hulapi 7) Ano ang salitang-ugat ng : PUMUNTA a) Unta b) Punta c) Pumunta 8) Ano ang salitang-ugat ng : PASUBSOB a) subsob b) paso c) pasubsob 9) Ano ang salitang-ugat ng : PANSANGGA a) sangga b) pansangga c) sanga 10) Ano ang salitang-ugat ng : KAAWAY a) kaway b) away c) kaaway 11) Ano ang salitang-ugat ng : DIGMAAN a) digma b) maan c) digmaan 12) Ano ang salitang-ugat ng : KAHANDAAN a) handaan b) daan c) handa 13) Ano ang salitang-ugat ng : KASANAYAN a) sanayan b) sanay c) sana 14) Ano ang salitang-ugat ng : MATAPANG a) mata b) tapang c) matapang 15) Ano ang salitang-ugat ng : KAISIPAN a) isip b) isipan c) kaisip 16) Ano ang salitang-ugat ng : MAHABA a) haba b) aba c) maha 17) Anu-ano ang tatlong ( 3 ) hati ng pamilya ng mga wikang Malayo-Polinesyo. a) Indonesyo, Polinesyo, Palawanesyo b) Indonesyo, Polinesyo, Melanesyo 18) Kayo'y magpalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo." a) Deuteronomio 31:6 b) Deuteronomio 31:7 c) Deuteronomio 31:8 19) Ito ay maliit na bahagi ng isang salita. a) pantig b) salita c) pangungusap 20) Isang patinig sa gitna ng dalawang katinig. a) PK b) KP c) KPK 21) Anong uri ng pantig ang : TO a) PK b) KP c) KKP 22) Anong uri ng pantig ang : LAM a) KP b) KKP c) KPK 23) Anong uri ng pantig ang : KLA a) KP b) KKP c) KPK 24) Anong uri ng pantig ang : KAS a) PK b) KKP c) KPK 25) Ito ang dalawang salitang magkaiba na pinagsama upang panatilihin o lumikha ng bagong kahulugan. a) Tambalang salita b) Payak na Salita c) Salitang inuulit 26) Ito ang dalawang salitang-ugat o maylapi na inuulit upang mapanatili o magbigay ng kahulugan. a) Tambalang salita b) Payak na Salita c) Salitang inuulit 27) Layunin ng tambalan at salitang inuulit. a) guluhin ang mga salita b) pagyamanin ang talasalitaan c) wala lang 28) Ang __________ ay maliit na bahagi ng isang _____________. a) pantig, salita b) pantig, tuldik c) salita, tuldik 29) Tinatawag na _____________ ang lipon ng mga salitang walang buong diwa. a) parirala b) payak c) pangungusap 30) Tawag sa mg a lipon ng salita na nagpapahay ng buong diwa. a) parirala b) payak c) pangungusap 31) Anong uri ng pangungusap: Nagtatanong ang mga eskriba. a) Payak b) Tambalan 32) May apat na lalaking bitbit ang isang lumpo. a) Payak b) Tambalan 33) Nagpatawad si Jesus sa kasalanan at nagpagaling siya ng lumpo. a) Payak b) Tambalan 34) May kapangyarihan si Jesus na magpatawad ng kasalanan. a) Payak b) Tambalan 35) Nagtaka ang mga tao at niluwalhati nila ang Dios. a) Payak b) Tambalan 36) Tumindig ang lumpo at umuwi siya ng bahay. a) Payak b) Tambalan 37) Ilang pantig ang : IBAYO a) 2 b) 3 38) Ilang pantig ang : DAGAT a) 2 b) 3 39) Ilang pantig ang : TUMAWID a) 2 b) 3 40) Ilang pantig ang : MALASAKIT a) 4 b) 3 41) ng dalawang oso a) Parirala b) Pangungusap 42) Bahay ng Diyos a) Parirala b) Pangungusap 43) Lumingon si Eliseo. a) Parirala b) Pangungusap 44) Sa lugar na yaon lumabas ang mga oso. a) Parirala b) Pangungusap 45) Igalang mo ang nakatatanda sa iyo. a) Parirala b) Pangungusap 46) KAHULUGAN: maliit na bahay bukid a) bahay-kubo b) dalang-bukid 47) KAHULUGAN: manipis; maramdamin a) balat-sibuyas b) ningas-kugon 48) KAHULUGAN: matang-pusa a) ganti b) matalas' mabalasik 49) KAHULUGAN: taingang-kawali a) nagbingi-bingihan b) sinungaling 50) KAHULUGAN: dalagang-bukid a) babaing walang bukid b) babaing tagabukid 51) KAHULUGAN: bayad-utang a) libre utang b) ganti 52) KAHULUGAN: balik-tanaw a) alalahanin; gunitain b) paglisan 53) Ang tawag sa mga lipon ng salitang may isang buong diwa. a) Payak na pangungusap b) Tambalang pangungusap 54) Ang tawag sa pinagsamang dalawang payak na pangungusap. Ginagamit ang mga pangatnig na at, ngunit, samantala at habang. a) Payak na pangungusap b) Tambalang pangungusap 55) "...ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin..." a) Hebreo 12:1 b) Hebreo 12:2 c) Hebreo 1:12 56) Ginagamit ito sa katapusan ng pangungusap sa paturol o pautos. a) Tuldok b) Kuwit c) Tandang Panamdam 57) Ginagamit naman ito kapag nagtatanong. Inilalagay ito sa hulihan ng pangungusap. a) Tuldok b) Kuwit c) Tandang Pananong 58) Inilalagay ito sa hulihan ng pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin. a) Tuldok b) Kuwit c) Tandang Panamdam 59) Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Tinatawag din itong simuno. a) Paksa b) Panaguri 60) Ito ang naglalarawan sa paksa. a) Paksa b) Panaguri 61) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: Nagsulat ng liham ( si Ana ). a) paksa b) panaguri 62) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: Si Jesus ( ay Tagapagligtas ). a) paksa b) panaguri 63) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: ( Makapangyarihan ) ang Panginoon. a) paksa b) panaguri 64) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: Purihin natin ( si Jesus ). a) paksa b) panaguri 65) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: ( Ang nanay ) ay masipag. a) paksa b) panaguri 66) Anong bahagi ng pangungusap ang nasa panaklong: ( Masunurin ) si Macario. a) paksa b) panaguri 67) Saan ka pupunta a) ? b) . c) ! 68) Naku Mag-ingat ka baka ka madulas a) ? b) . c) ! 69) Pupunta ako sa bahay nina Mang Isko Karding at Totoy a) ? b) . c) ! 70) Ano ang Pangatnig sa pangungusap: Ang Mercury at Earth ay mga planeta. a) Ang b) at c) ay 71) Ano ang Pangatnig sa pangungusap: Naglinis ng bahay ang magkapatid habang nasa palengke ang kanilang nanay. a) habang b) nasa c) bahay 72) Ano ang Pangatnig sa pangungusap: Minamahal nila ang kanilang magulang sapagkat iyon ang utos ng Panginoon. a) sapagkat b) minamahal c) iyon 73) Tukuyin ang uri ng Pangungusap: Tanghali na subalit hindi pa sila kumakain sapagkat hindi pa sila nakaluluto. a) hugnayan b) langkapan 74) Tukuyin ang uri ng Pangungusap: Ginalingan niya maglaro ng basketbol sapagkat nanonood ang kanyang nanay. a) hugnayan b) langkapan 75) Tukuyin ang uri ng Pangungusap: Mahal ako ng aking nanay sapagkat ako ay kanyang anak. a) hugnayan b) langkapan 76) Nagtataglay ng isang payak na pangungusap at isang di-makapag-iisang sugnay. a) Hugnayang Pangungusap b) Tambalang Pangungusap 77) Nagtataglay ng isang tambalang pangungusap at isang di-makapag-iisang sugnay. a) Hugnayang Pangungusap b) Tambalang Pangungusap 78) "...ihatol ninyo, ito na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid..." a) Roma 14:14 b) Roma 14:13 c) Roma 13:14

FILIPINO 4

Classement

Style visuel

Options

Changer de modèle

Restauration auto-sauvegardé :  ?