1) Si Nanay Amanda ay nagtanim sa kanilang bakuran ng iba’t ibang uri ng gulay gaya ng talong, okra, sitaw at iba pa. Araw araw ito ay dinidiligan niya. Sa inyong palagay anong bahagi ng halaman ang sumusipsip ng tubig sa ilalim ng lupa? a) Sanga b) Dahon c) Ugat d) Bunga 2) Habang namamasyal sa kanilang bakuran si Mang Kardo nakuha ang kanyang atensyon ng isang halaman dahilan sa makulay na palamuti nito. Anong bahagi ng halaman kaya ito? a) Bulaklak b) Dahon c) Sanga d) Ugat 3) Si Narsing ay nakakita ng puno ng kalamansi. Tuwang tuwa siya dahil ang beberde ng mga dahon nito. Sa inyong palagay anong bahagi ng puno ang naghahawak sa mga dahon? a) Bulaklak b) Bunga c) Ugat d) Sanga o Tangkay 4) Namili ng mga gulay sa palengke ang Nanay ko para sa aming tanghalian. Bumili siya ng ampalaya, kalabasa, kamatis at talong. Anong bahagi ng halaman ang mga ito? a) Bunga b) Sanga c) Ugat d) Bulaklak 5) Si Leslie ay mag-aaral ng ikatlong baitang. Pinag aralan nila ang iba’t ibang gawain ng bahagi ng mga halaman. Ano kayang bahagi ng halaman ang gumagawa ng pagkain ng halaman gamit ang liwanag ng araw sa prosesong photosynthesis. a) Bunga b) Dahon c) Ugat d) Bulaklak

לוח תוצאות מובילות

סגנון חזותי

אפשרויות

החלף תבנית

האם לשחזר את הנתונים שנשמרו באופן אוטומטי: ?