1) Isang mabilisang pagbasa ng isang teksto na pokus ang hanapin ang tiyak na impormasyong itinakda bago bumasa. a) scanning b) skimming c) intensibo d) ekstensibo 2) Ito ang tawag sa mga kahulugan ng salita na makukuha sa mga diskyunaryo. a) asimilasyon b) konotasyon c) komprehesyon d) denotasyon 3) Programa sa pagbasa na isinasagawa upang makuha ang pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. a) debelopmental b) ekstensibo c) malikhain d) komprehensyon 4) Mabilisang pagbasang may layuning alamin ang kahulugan ng kabuuan ng teksto. Inilalarawan din dito kung paano inorganisa ang mga ideya at maging ang pananaw at layunin ng manunulat. a) debelopmental b) skimming c) intensibo d) komprehensyon 5) Bahagi ng pagbabasa na nagdedesisyon ang mga mambabasa kung susuway sa mga naunang termino ng may-akda o gagawa ng sariling kategorisasyon. a) primarya b) asimilasyon c) kumbersasyon d) analitikal 6) Paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin at paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa binasang teksto. a) abstrak b) précis c) paraphrase d) pagbubuod 7) Hulwaran ng tekstong impormatibo ang naglalahad at nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paano ang kinalalabasan ay resulta ng naunang pangyayari. a) sanhi at bunga b) pagbibigay-depinisyon c) paghahambing d) paglilista ng klasipikasyon 8) Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang tekstong deskriptibo? a) suhetibo b) malikhaing panghihikayat c) naglalaman ng konkretong detalye d) nagbibigay paglalarawan sa paksa 9) Mga pangunahing nilalaman ng tekstong prosidyural ang sumusunod. a) layunin, paksa, metodo at resolusyon b) target na awput, kagamitan, metodo at ebalwasyon c) layunin, kagamitan metodo at rekomendasyon d) target na awput, kagamitan, metodo at konklusyon 10) Makabagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. a) prosa b) balita c) Creative Non-fiction d) Literary Journalism

Papan Peringkat

Gaya visual

Pilihan

Berganti templat

Pulihkan simpan otomatis: ?