1) Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. a) Panulaan b) Maikling Kwento c) Nobela d) Sanaysay 2) Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. a) Nobela b) Maikling Kwento c) Panulaan d) Alamat 3) Siya ay isang mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinikilala siya bilang “Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog. a) Genoveva Edroza-Matute b) Amado V. Hernandez c) Lope K. Santos d) Deogracias A. Rosario 4) Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.  a) Panulaan b) Maikling Kwento c) Nobela d) Kwentong Bayan 5) Ito ay nobelang isinulat ni Lope K. Santos noong 1906. Ito ay isinulat sa salitang Tagalog at isinalin sa Ingles na may pamagat na From Early Dawn To Full Light. Itinuring itong bibliya ng mga manggagawang Pilipino. a) Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng b) Banaag at Sikat c) Pinaglahunan d) Sampaguitang walang bango 6) Siya ay tinaguriang “Makata ng Buhay”, sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong-lalo na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. a) Lope K. Santos b) Pedro Gaimatan c) Iñigo Ed Regalado d) Julian Cruz Balmaceda 7) Siya ay kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947. a) Iñigo Ed Regalado b) Lope K. Santos c) Florentino Collantes d) Julian Cruz Balmaceda 8) Sa panahon na ito ay pinamana naman nila saatin ay edukasyon. Sila din ang nagpakilala saatin ng Fairytales at gumamit din sila ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo ng bagong kaalaman. a) Panahon ng Katutubo b) Panahon ng Hapon c) Panahon ng Amerikano d) Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hangang Kasalukuyan 9) Sa panahon na ito, sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa dahil sa ipinagbawal ng namumunong sa bansa na ito ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat nakasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya angpanitikang nililikha. a) Panahon ng Katutubo b) Panahon ng Hapon c) Panahon ng Amerikano d) Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hangang Kasalukuyan 10) Sa panahon na ito, Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikanang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan natin ay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mgakwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. a) Panahon ng Katutubo b) Panahon ng Hapon c) Panahon ng Amerikano d) Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hangang Kasalukuyan

Maikling Pagsusulit sa Demo sa Fil2

Ledertavle

Visuell stil

Alternativer

Bytt mal

Gjenopprett automatisk lagring: ?