1) Alin sa mga sumusunod ang wastong salita na tumutukoy sa panganib? a) bata b) batas c) banta d) bantas 2) Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na may sariling kahulugan? a) morpema b) parirala c) ponema d) sintaks 3) Alin sa mga sumusunod ang lipon ng mga salita na naglalahad ng buong diwa? a) pangungusap b) parirala c) sugnay d) Talata 4) Anong bahagi ng pangungusap ay tumutukoy sa paksa? a) panaguri b) simuno c) sugnay d) talata 5) Ano ang anyo ng pangungusap kung nauuna ang panaguri sa paksa? a) kabaligtaran b) kabalikan c) kabilanan d) karaniwan 6) Ano ang kahulugan ng ‘nagsunog ng kilay sa pag-aaral’? a) masungit b) nagmataas c) nagtiyaga d) pinaso ang kilay 7) “Wala akong ibibigay, butas na ang bulsa ko.” Ano ang kahulugan ng ‘butas ang bulsa’ sa pahayag? a) walang pera b) ayaw magbigay c) punit ang bulsa d) nahulog ang laman ng bulsa 8) Magbibigay ang guro ng maikling pagsusulit kaya pag-aralan _____ ang mga tinalakay sa aralin a) din b) rin c) daw d) raw 9) Maraming kasama sa field trip pati guwardiya ay kasama _____ . a) daw b) raw c) din d) rin 10) Ang bahaging _____ sa pangungusap ay tumutukoy sa paksa. a) panaguri b) parirala c) simuno d) sugnay 11) Kakain na _____________ tayo sabi ni Ina kaya't tumigil muna kayo sa inyong ginagawa. a) raw b) daw c) rin d) din 12) Ang "ng" ay nagiging "n" kung ang salitang ikinakabit dito ay nagsisimula sa mga titik na ___________ a) a,e,i,o,u b) p, b c) w, y d) d,l,r,s, t 13) Ang "ng" ay nagiging "m" kung ang salitang ikinakabit dito ay nagsisimula sa mga titik na ___________ a) a,e,i,o,u b) p, b c) w, y d) d,l,r,s, t 14) Ang pang+palo ay magiging ______________ ayon sa tuntunin. a) pamalo b) pangpalo c) panalo d) palo-palo 15) Iibigin kita araw-araw. Mawala man ang bituin sa kalangitan ikaw pa ____________ ang pipiliin ko. a) din b) rin c) daw d) raw 16) Ikaw ba ang binabata ng susunod na kapitan upang tumakbong SK Chairperson. Ang kahulugan ng salitang binabata ay________ a) Binababy b) Kinakalinga c) Inaalagaan d) Sinusuportahan 17) Ito ay ang paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa salita o pahayag gamit ang diksyunaryo a) Denotasyon b) Konotasyon c) Panag-uri d) Simuno 18) Ito ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral na pinakamaliit na yunit ng tunog. a) Ponolohiya b) Morpolohiya c) Sintaks d) Semantiks 19) Alin sa mga sumusunod ang angkop na salitang mabubuo kapag pinagsama ang sing+bait? a) singbait b) simbait c) simba d) simait 20) Alin sa mga sumusunod ang angkop na salitang mabubuo kapag pinagsama ang pang+dakot? a) panakot b) pangdakot c) pandakot d) dakot

PAGSUSULIT- BAITANG 11

排行榜

视觉风格

选项

切换模板

恢复自动保存: