1) Sa pagkakabit ng butones ng damit, ano ang unang hakbang? a) Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones. b) Gupitin ang isang parte ng tela. c) Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit. d) Isagawa ang pagtatahing lilip. 2) Alin sa mga kagamitan ang hindi ginagamit sa pagkakabit ng butones? a) butones, karayom, sinulid, gunting b) karayom, sinulid, didal, gunting c) zipper, perdible, makina, tela d) gunting, didal, butones, karayom 3) Butones na may dalawa ang butas. Ano ito? a) two-hole button b) shank button c) four-hole button d) otomatiko 4) Butones na may nakaalsa sa likod o tinatawag na nakaalsang butones. Ano ito? a) two-hole button b) shank button c) four-hole button d) otomatiko 5) Ano ang dapat mong gawin kapag natanggal ang butones ng iyong damit? a) hayaan muna b) ayusin kapag may oras c) ayusin o ikabit kaagad d) ipagawa sa nanay 6) Kinakailangang maglagay ng aspile sa pagkakabit ng butones upang ito ay ______ . a) hindi mahigpit ang ikinabit na butones b) mahigpit ang butones c) madaling ikabit ang butones d) wala sa nabanggit 7) Ano ang gagawin upang mas lalong kumintab ang sahig? a) binubunot b) Iniispreyhan ng pabango c) pinupunasan ng basahan d) winawalisan 8) Ano ang ginagamit sa paglilinis ng tuyong dahon? a) pala b) walis tambo c) pandakot d) walis tingting 9) Ang __________ ang dapat naglilinis ng tahanan at bakuran. a) mga babae sa pamilya b) mga lalake sa pamilya c) magulang lamang d) bawat miyembro ng pamilya 10) Ano ang kadalasang sanhi ng pagkakasakit ng tao? a) Alikabok b) mga peste tulad ng daga at ipis c) mikrobyo d) pagpapagod sa paglilinis 11)  Pandilig ng halaman. a) kalaykay b) bunot c) mop d) regadera 12) Gamit upang dakutin ang mga basura. a) pandakot b) mop c) walis tambo d) walis tingting 13) Pangwalis sa magaspang na sahig at sa bakuran. a) walis tambo b) walis tingting c) kalaykay d) regadera 14) Pinakikintab ang sahig. a) mop b) walis tambo c) bunot d) kalaykay 15) Gamit sa pagtipon ng kalat, tulad ng damo at tuyong dahon a) walis tambo b) walis tingting c) pandakot d) kalaykay 16) Pangwalis sa makinis na sahig. a) walis tambo b) walis tingting c) mop d) pala 17) Pangtanggal ng alikabok at pamunas ng kasangkapan. a) pala b) bunot c) basahang tuyo d) mop 18) Paano mapapanatiling malinis ang bahay at bakuran? a) Ihanda ang kagamitang panlinis. b) Sundin ang checklist sa paglilinis. c) Gumawa ng DIY sa paglilinis. d) Lahat ng sagot ay tama. 19) Bakit mahalagang takpan ang ilong habang naglilinis? a) upang hindi maamoy ang silid b) upang hindi madumihan ang mukha c) upang makaiwas sa mikrobyo d) upang hindi malanghap ang alikabok 20) Kada kailan dapat palitan ang tuwalya sa silid-palikuran? a) isang beses sa isang linggo b) isang beses sa isang buwan c) buwan-buwan d) taon-taon

EPP HOME ECONOMICS LAS 2

vytvoril(a)

Rebríček

Vizuálny štýl

Možnosti

Prepnúť šablónu

Obnoviť automaticky uložené: ?