1) Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________. a) kontribusyon b) gampanin c) pagmamahalan d) katalinuhan 2) Alin sa mga sumusunod ang bumubuo at nagpapatupad ng batas sa lipunan? a) Pamahalaan b) Pamilya c) Simbahan d) Paaralan 3) Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa elemento ng kabutihang panlahat? a) Kapayapaan b) Katiwasayan c) Paggalang sa indibidwal na tao d) Tawag ng katarungan 4) Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay: a) . tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay b) tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa c) mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa d) mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan 5) Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan? a) Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao. b) Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan. c) Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan. d) Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao. 6) Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat? a) Pakikipagkapwa-tao b) Pagbibigayan c) Panghuhusga d) Paggalang 7) Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya? a) Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali. b) Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan. c) Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang. d) Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol. 8) Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman? a) Simbahan b) Pamahalaan c) Paaralan d) Komunidad 9) Ano ang tunay na layunin ng Lipunan? a) kapayapaan b) kabutihang panlahat c) katiwasayan d) kasaganaan 10) Ano ang Kabutihang panglahat? a) Kabutihan ng lahat ng tao b) Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan c) Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan d) Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito 11) Sa kasalukuyan (Covid-19 pandemic), ano ang maaari nating maiambag sa ating pamahalaan upang magkaroon ng maayos na lipunan? a) Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya. b) Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan c) Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan. d) Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa ating kaligtasan. 12) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat? a) Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda. b) Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang Covid 19 c) Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo d) Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan. 13) Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng isang lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao na hindi nila makamit nang paisa-isa. a) Tama b) Mali 14) Ang ating mga pinuno ang siyang taga gawa nang mga hakbang at plano ukol sa mga programang makatutulong sa mga mamamayan na magkaroon nang matiwasay na pamumuhay. a) TAMA b) MALI 15) Pag wala ang lipunang pulitikal kaya pa ring makamtan ang kapayapaan at matiwasay na pamumuhay sa isang baryo o lungsod. a) Tama b) Mali 16) Isa sa magandang epekto ng sistemang pulitikal na ginagamit ang prinsipyong subsidiarity ay ang inisiyatibo ng indibiduwal at grupo ay nabibigyan ng pinakamataas na saklaw upang malutas ang mga problema. a) Tama b) Mali 17) Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng komunidad? a) pamilya b) simbahan c) paaralan d) bansa 18) Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moralidad sa mga kabataan? a) Hikayatin sumali sa mga paligsahang lokal. b) Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay. c) Hikayating mag-aral sa semenaryo. d) Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampulitikang adhikain. 19) Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan? a) institusyong pinapairal ng batas b) institusyong binubuo nga prinsipyong pulitikal c) isang pangkat na nag-uugnayang tao d) isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan 20) Ano ang prinsipyo ng subsidiarity? a) ang pagtulong sa paaralan b) ang pagpapatayo ng mga pampublikong gusali c) ang pag kupkop sa mga dukha d) ang pagtulong ng pamahalaan sa pamayanan 21) Ang sumusunod ay ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa: a) pagkakaroon ng kaalitan b) bayanihan at kapit-bahayan c) sama-samang pagtakbo para sa kalikasan d) pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong 22) Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na ”ang tao ay pantay-pantay’? a) Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman. b) Lahat ay dapat mayroong pag-aari. c) Lahat ay iisa ang mithiin. d) Likha ang lahat ng Diyos. 23) Ito ay tinatawag na medium kung marami at naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan. a) ICT b) media c) internet d) simbahan 24) Alin sa mga nabanggit na lipunang sibil ang nagsusulong ng tamang pangangalaga sa kalikasan? a) Gabriela b) Bayan Mo, Ipatrol Mo c) HARIBON Foundation d) Compassion International 25) Ano ang layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil? a) Maghahatid ng hindi makatotohang impormasyon b) Maghahatid ng mga balita na pumapabor sa pulitiko c) Magsusulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan d) Maghahatid ng one-sided na balita sa masa 26) Alin ang angkop na salita na nagpapaunlad ang lahat na walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap? a) pagkakapantay-pantay b) mabuting Ekonomiya c) patas d) pagbabudget 27) Anong anyo ng lipunang sibil ang mga nabanggit na halimbawa facebook, twitter, at instagram? a) simbahan b) pulitika c) lipunang sibil d) media 28) Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng mamamayan? a) batas b) mamamayan c) kabataan d) pinuno 29) Saan maaaring ihambing ang isang pamayanan? a) Pamilya b) barkadahan c) organisasyon d) magkasintahan 30) Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok? a) pag-unlad b) pagkakaisa c) kabutihang panlahat d) pagtataguyod ng pananagutan

REVIEW QUARTER 1

Табела

Визуелни стил

Поставке

Промени шаблон

Врати аутоматски сачувано: ?