1) Sa iba't ibang sitwasyon, may mga tao na maaaring magbigay ng impormasyon sa paraang hindi direktang sinasagot ang tanong, na nagiging sanhi ng kalituhan sa humihingi ng impormasyon.Ano ang tawag sa paraan ng pagsagot na ito? a) A. Pag-iwas (evasion) b) B. Mental reservation c) C. Paglilihis (equivocation) d) D. Pagtahimik (silence) 2) Sa isang paaralan, mahalaga ang pagiging tapat at pagsasabi ng totoo upang mapanatili ang tiwala sa isa't isa. Gayunpaman, may ilang ugali na maaaring maging hadlang sa katotohanan at katapatan. Aling ugali ang itinuturing na hadlang sa pagiging tapat at makatotohanan? a) A. Pagiging mapaghiganti b) B. Pagsisinungaling c) C. Pagiging mapagmataas d) D. Pagiging mayabang 3) May mga pagkakataon kung saan ang isang tao ay nagsisinungaling upang protektahan ang sarili mula sa kahihiyan, sisihan, o parusa. Anong uri ng pagsisinungaling ang inilalarawan dito? a) A. Selfish lying b) B. Self-enhancement lying c) C. Antisocial na Pagsisinungaling d) D. Prosocial lying 4) Ang pagsisinungaling ay maaaring may iba't ibang layunin at epekto sa lipunan. Ang ilang uri ng pagsisinungaling ay sadyang ginagawa upang makapinsala sa iba.Anong uri ng pagsisinungaling ang sadyang ginagawa upang makasakit ng kapwa? a) A.Selfish lying b) B. Self-enhancement lying c) C. Antisocial na Pagsisinungaling d) D. Social lying 5) Si Miguel ay tinanong ng kanyang guro kung natapos na niya ang kanyang takdang-aralin. Sa halip na sumagot nang direkta, sinabi niya, "Nag-research po ako tungkol doon kagabi." Hindi niya direktang sinabi kung natapos niya ito o hindi.Anong uri ng pagsisinungaling ang ipinakita ni Miguel? a) A. Equivocation b) B. Evasion c) C. Mental reservation d) D. Self-enhancement 6) Sa isang paaralan, napansin ng guro na may ilang mag-aaral na nakakaranas ng iba't ibang anyo ng pambubulas. Upang matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan at maiwasan ang ganitong mga sitwasyon, tinalakay niya ang iba't ibang uri ng pambubulas.Anong uri ng pambubulas ang kinabibilangan ng mga sumusunod na kilos: pananampal, panununtok, at paninipa? a) A. Pisikal na pambubulas b) B. Sosyal o relasyunal na pambubulas c) C. Pasalitang pambubulas d) D. Wala sa nabanggit 7) Ang katapatan sa gawa ay mahalagang aspeto ng ating pagkatao. Ito ay nagpapakita ng integridad at respeto sa kapwa. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng iba't ibang paraan ng pagsasabuhay ng katapatan sa gawa.Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na halimbawa ng pagsasabuhay ng katapatan sa gawa? a) A. Pagsasauli sa may-ari ng napulot mong cellphone b) B. Hindi pagsasabi ng katotohanan upang makaiwas na mapagalitan. c) C. Pag-iiba ng usapan tuwing tinatanong tungkol sa mababa mong marka d) D. Pagbibigay ng totoong impormasyon sa sitwasyong kailangang ipahayag ang katotohanan. 8) .Ang pag-iwas sa karahasan ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad. Ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa karahasan.Alin sa mga sumusunod ang epektibong paraan upang makaiwas sa karahasan? a) A. Sumali sa gang at fraternity b) B. Mambulas upang simulan ang pag-aaway c) C. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot o droga d) Sumali sa mga adbokasiya laban sa anumang karahasan 9) 9.Si Nica ay madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang tono ng pananalita. Sa halip na magalit, pinangaralan niya ang mga ito hanggang sa sila ay tumigil sa panunukso.Bakit ganoon ang pakikitungo ni Nica sa kanyang mga kaklase? a) A.Nakasanayan na niya b) B.Mahal niya ang buhay niya c) C.Takot siya sa mga kaklase d) D.Mahal niya ang sarili at kapwa 10) Biniro ni Chris ang kaibigang si Sam sa pamamagitan ng biglaang paghila sa upuan habang uupo na sana ito, kaya natumba si Sam. Dahil sa sobrang hiya, nasuntok ni Sam si Chris.Ano ang dapat gawin ni Chris pagkatapos ng insidenteng ito? a) A.Iwan ang kaibigan b) B.Magtanim ng galit sa kaibigan c) C. Humingi ng tawad sa kaibigan d) D.Makipagsuntukan sa kaibigan 11) Si Chelsea ay napagbintangan ang kanyang kaklaseng si Loren na naglagay ng bato sa kanyang bag dahil nakita niyang binuksan ni Loren ang kanyang bag. Sa kanyang galit, nasigawan niya si Loren.Tama ba ang ginawa ni Chelsea? a) A.Hindi, dahil kaibigan niya ito. b) B.Oo, dahil tama lang ang ginawa niya. c) C.Hindi, dahil masama ang mambintang d) D.Oo, dahil nakita niyang binuksan ang kanyang bag 12) Nakita ni Grace ang kanyang kaklaseng si Ruben na akmang susulatan ang pader ng paaralan gamit ang pentelpen.Ano ang nararapat na gawin ni Grace? a) A.Sawayin ang kaklase. b) B.Hayaan na lang ang kaklase. c) C.Susulatan din ang pader d) D.Manood kung ano ang isusulat ng kaklase 13) Nakita mong kinukutya ng iyong kaibigan ang isang mag-aaral dahil ito ay sobrang payat.Ano ang nararapat mong gawin? a) A.Manahimik at huwag nang makialam b) B.Suportahan ang kaibigan sa ginawa c) C.Suntukin ang nangungutya sa mag-aaral d) D.Pagsabihan ang kaibigan na mali ang kaniyang ginawa 14) Paano masusupil at maiwasan ang mga karahasan sa paaralan?Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang karahasan sa paaralan a) A.Isipin lamang ang sarili b) B.Pagsasarili sa problema c) C.Pag-usapan ang kaklase d) C.Pakikinig sa pangaral ng mga magulang at guro 15) Bilang isang Student Leader na tagapagsulong ng Anti-Bullying Act, napansin mong may isang mag-aaral na nangungutya sa isang batang may kapansanan.Ano ang pinakamainam na gawin sa sitwasyong ito? a) A.Pagbayarin ng multa ang nangungutya sa kanyang ginawa. b) B.Turuan ng leksiyon ang parehong kinukutya at ang nangungutya. c) C.Ipagbigay-alam sa Guidance Counselor upang mapayuhan ang nangungutya d) D.Sabihan ang batang may kapansanan na huwag na lang pumasok upang hindi siya ma-bully 16) Anong uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan ng biktima sa ibang tao.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ganitong uri ng pambubulas? a) A.Sosyal na pambubulas b) B.Pasalitang pambubulas c) C.Pisikal na pambubulas d) C.Tahimik at pisikal na pambubulas 17) Ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang pag-aari ay isang uri ng pambubulas.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ganitong uri ng pambubulas? a) A.Sosyal na pambubulas b) B.Pasalitang pambubulas c) C.Pisikal na pambubulas d) D.Tahimik at pisikal na pambubulas 18) Ang iyong kaibigan ay madalas na tinatawag na "walang alam" sa klase at sinasabihang "walang magagawa sa buhay" ng ibang mga kamag-aral.Anong uri ng pambubulas ang ipinapakita sa sitwasyong ito? a) A.Pasalita b) B.Pisikal c) C.Relasyonal d) D.Sosyal 19) Bilang isang mag-aaral, nais mong maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang uri ng karahasan sa loob ng paaralan.Ano ang pinakamabisang hakbang na maaaring ipatupad sa loob ng paaralan upang maiwasan ang pagkakasangkot ng kabataan sa anumang karahasan? a) A.Takot sa pamilya b) B.Matinding paninindigan c) C.Pagmamahal sa sarili d) C. May sinusunod na alituntunin 20) Pinapayagan lamang na gumala si Dalia ng kanyang ina kapag kasama ang kaibigang si Rose. Isang araw nagpaalam si Dalia na aalis kasama si Rose ngunit ang hindi alam ng kanyang magulang ay nakipagkita lang pala si Dalia sa kanyang nobyo. Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Dalia? a) A.Black lies b) C.Selfish lying c) B.White lies d) D.Prosocial 21) Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang taong matapat? Piliin ang tamang sagot. a) A.Si Cardo na pumapatay ng mga taong gumagawa ng hindi maganda b) B.Si Hipolito na ipinauubos ang rebelde upang bumango ang pangalan sa pangangampanya c) C.Si Lakas na pumasok sa Kapatagan upang pagkatiwalaan at mabuksan ang lagusan para sa kanyang mga kasamahan d) D.Si Diane na isinumbong ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa pangongopya sa pagsusulit 22) Ang kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal ay: Piliin ang tamang sagot. a) A. Intense love b) B.Philia love c) C.Motherly love d) D.Puppy love 23) Ayon sa kanya, "Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal." Sino ang nagbigay ng pahayag na ito? Piliin ang tamang sagot. a) A.Aristoteles b) B.Papa Juan Pablo II c) C.Dr. Melvin Anchall d) D.Sto. Tomas de Aquino 24) Ano ang tawag sa pangkalahatang kagustuhan ng isang tao sa mga gawaing sekswal? Piliin ang tamang sagot. a) Pre- marital sex b) Chastity c) Sex drive o libido d) Sekswalidad 25) Kanino nararapat na unang magtanong ang mga kabataan ng mga bagay hinggil sa sekswalidad? Piliin ang tamang sagot. a) Mga kaibigan b) Mga blog-site c) Mga magulang d) Mga guro 26) Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong mga magulang? Piliin ang tamang sagot. a) A.Pagtulong sa mga gawaing bahay b) B.Pagsasabi ng katotohanan sa mga magulang c) C.Paghingi ng sobrang pera bago pumasok d) D.Pagtatago ng lihim sa mga magulang 27) Sa anong edad napaninindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling? Piliin ang tamang sagot. a) Anim b) Walo c) Siyam d) Pito 28) Saang isyu may kinalaman ang gawaing pagtatalik bago ang kasal? Piliin ang tamang sagot a) A.Pornograpiya b) B.Pre- marital sex c) C.Prostitusyon d) D.Virginity 29) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa huwaran ng asal o behavioral pattern? Piliin ang tamang sagot. a) A.Decisiveness b) B.Courage or fortitude c) C.Sincerity or honesty d) D.Openness and humility 30) Karamihan sa mga kabataang babae ay nagsasagawa ng kalunos-lunos na krimen na ito dahil sa maagang pagbubuntis. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isyung ito? Piliin ang tamang sagot. a) A.Paggamit ng droga b) B.Pre-marital sex c) C.Aborsyon d) D.Prostitusyon 31) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng emosyonal at sikolohikal na pagbabagong naranasan ng mga nagbibinata at nagdadalaga? Piliin ang tamang sagot. a) A.Pagkakaroon ng buwanang dalaw b) B.Pagkakaroon ng balahibo sa kilikili c) C.Pagkakaroon ng Adam's apple sa leeg d) D.Pagkakaroon ng malisya kapag hinahawakan ng iba ang katawan 32) Anong isyung pansekswalidad ang maaaring maging kahantungan ng isang batang nakararanas ng labis na kalituhan at takot sa magiging responsibilidad sa pagbubuntis? Piliin ang tamang sagot. a) A.Aborsyon b) B.Body shaming c) C.Gender stereotyping d) D.Role confusion 33) Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang isaisip ng mga kabataan upang makaiwas sa early teenage pregnancy? Piliin ang tamang sagot a) A.Maaaring ito ay puppy love b) B.Nagdudulot ito ng sakit na sexually transmitted infection c) C.Nasa proseso pa ng pagdadalaga at pagbibinata d) D.Hindi pa handa ang sarili sa physical, social, financial, at emotional na aspeto 34) Alin sa mga sumusunod na uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan ng isang tao sa ibang tao? Piliin ang tamang sagot. a) A.Sosyal b) B.Pisikal c) C.Pasalita d) D.Wala sa nabanggit 35) Bakit nararapat na iwasto ang pananaw ukol sa sekswalidad? Piliin ang tamang sagot. a) May kaugnayan ito sa pagiging babae o lalaki. b) Isa itong aspeto ng buhay. c) Upang maging mapanagutan sa mga gawi ukol dito. d) Mayroon itong moral na aspeto.

Výsledková tabule/Žebříček

Vizuální styl

Možnosti

Přepnout šablonu

Obnovit automatické uložení: ?