1) Bakit mahalaga ang mga computer at iba pang computing devices sa ating pangaraw-araw na buhay a) Para sa pagdedekorasyon ng bahay. b) Para lamang sa paglalaro ng mga online games. c) Para lamang sa paggawa ng mga larawan at video. d) Para mapadali ang komunikasyon at paghahanap ng impormasyon. 2) Alin sa sumusunod ang tamang paggamit ng mga bahagi ng computer? a) CPU - Ang nagpoproseso ng mga utos at impormasyon sa computer. b) Keyboard - Ginagamit sa paggalaw ng cursor sa screen. c) Mouse - Ginagamit sa pag-imprenta ng dokumento. d) Printer - Ginagamit sa pagpapakita ng mga larawan sa screen. 3) Ano ang iyong pipindutin, kung isasara na ang iyong computer nang maayos? a) Booting b) Restart c) Shut down d) Sleep 4) Bakit mahalaga ang pagsunod sa tamang proseso ng pag-boot at pag-shutdown ng computer? a) Para magtagal ang baterya ng computer. b) Para mas mabilis ang pag-on at pag-off ng computer c) Para maiwasan ang pagkasira ng sistema ng computer d) Para mas madali ang paggamit ng monitor, mouse, at keyboard. 5) Ano ang unang dapat gawin kapag hindi gumagana ang iyong keyboard? a) I-off ang computer. b) Palitan agad ng bago. c) Hintayin ng ilang oras. d) I-unplug at i-plug muli ang keyboard. 6) Bakit mahalaga ang wastong posisyon ng katawan habang gumagamit ng computer? a) Para mas mabilis ang pag-type. b) Para mas madali ang paggamit ng mouse. c) Para makapagtrabaho nang mas matagal na oras. d) Para maiwasan ang pananakit ng katawan at panlalabo ng mata. 7) Ano ang dapat gawin upang protektahan ang iyong mga mata habang gumagamit ng computer? a) Panatilihin ang tamang distansya at magpahinga tuwing 20 minuto. b) Tingnan ang screen mula sa sobrang lapit. c) Huwag i-adjust ang brightness ng screen. d) Gamitin ang computer nang walang tigil. 8) Bakit mahalaga na huwag ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga hindi kilalang tao internet? a) Para makilala ka ng iba pang tao sa internet. b) Para hindi magulo ang iyong social media account. c) Para mas madali kang mahanap ng iyong mga kaibigan. d) Para maiwasan ang panganib na magamit ang iyong impormasyon sa  9) Paano susuriin ang isang email na may link na nagsasabing nanalo ka ng premyo?  a) I-click agad ang link. b) Ikwento sa lahat ng kakilala ang tungkol sa premyo. c) Suriin ang email address at tiyakin kung totoo ang pinagmulan. d) Ibigay ang iyong personal na impormasyon para makuha ang premyo. 10) Ano ang ginagawa mo kapag gusto mong magsimula ng bagong dokumento sa Microsoft Word? a) I-click ang "Close" button b) I-click ang "New Document" button. c) I-click ang "Print" button. d) I-click ang "Save" button. 11) Ano ang pangunahing gamit ng "Save" button sa Microsoft Word? a) Para isara ang dokumento. b) Para i-print ang dokumento. c) Para i-save ang dokumento. d) Para magsimula ng bagong dokumento. 12) Ano ang layunin ng paggamit ng "Bold" na format sa isang salita o pangungusap sa Word document? a) Para bigyang-diin o maging makapal ang mga mahahalagang salita o impormasyon. b) Para magmukhang mas maliwanag ang screen. c) Para mag-print ng mas maraming kopya. d) Para magamit ang spell check. 13) Bakit mahalaga na maglagay ng larawan sa iyong Word document? a) Para mas maging kawili-wili at madaling maunawaan ang dokumento. b) Para makapagdagdag ng maraming teksto. c) Para mas mabilis ang pag-type ng teksto. d) Para mabawasan ang laki ng dokumento. 14) Ano ang dapat gawin kung biglang nagpapalit-palit ang font size habang nagtatype? a) Patayin ang computer. b) I-type muli ang dokumento. c) I-check ang "Styles" panel. d) Palitan ang font size sa bawat pahina. 15) Paano masisigurong maayos ang laki ng titik, kulay, at itsura ng isang dokumento bago ito i-print? a) Magdagdag ng maraming kulay at titik. b) Gamitin ang mga tools sa tool bar. c) I-save sa maraming format. d) I-zoom in ang dokumento. 16) Paano mo maidaragdag ang isang larawan sa iyong Word document? a) I-drag ang larawan papunta sa Word document. b) I-click ang "Insert" tab at piliin ang "Pictures." c) I-type ang pangalan ng larawan. d) I-scan ang dokumento. 17) Ano ang tawag sa software na ginagamit para gumawa ng mga presentation slides? a) Microsoft Access b) Microsoft Excel c) Microsoft PowerPoint d) Microsoft Word. 18) Ano ang button na ginagamit upang magdagdag ng bagong slide sa PowerPoint presentation? a) "New Slide" button b) "Open" button c) "Print" button d) "Save" button 19) Bakit gumagamit ng iba't ibang slide layouts sa PowerPoint? a) Para makuha ang iba't ibang disenyo na nagpapakita ng impormasyon nang maayos. b) Para magdagdag ng mas maraming teksto.nang maayos. c) Para makapag-type nang mas mabilis. d) Para makapag-save ng dokumento. 20) Ano ang gamit ng "Transitions" sa PowerPoint? a) Para palitan ang kulay at laki ng teksto. b) Para magdagdag ng effects sa slide c) Para magdagdag ng bagong slide. d) Para i-save ang presentation. 21) Paano mo maipapakita nang maayos ang ideya sa klase gamit ang presentation document? a) Gumamit ng mga simpleng larawan at bullet points para sa malinaw na ideya. b) I-save ang presentation sa hindi kilalang format. c) Gumamit ng maraming iba't ibang font styles. d) Maglagay ng maraming teksto sa bawat slide. 22) Paano mo magagamit ang PowerPoint presentation skills sa paaralan o trabaho? a) Para maipakita ang mga ideya at impormasyon sa maayos at organisadong paraan. b) Para i-format ang mga slide gamit ang iba't ibang kulay. c) Para mag-type ng mas maraming teksto sa bawat slide. d) Para mag-print ng maraming kopya ng presentation. 23) Paano lalong gaganda at mas maiintindihan ang iyong presentation gamit ang insert tab? a) I-click ang "Save" button. b) Palitan ang font ng lahat ng teksto. c) Maglagay ng teksto sa slide na hindi kailangan. d) Magdagdag ng mga larawan, hugis, bidyo, at iba pang media sa slide. 24) Ano ang tawag sa software na karaniwang ginagamit para sa desktop publishing? a) Adobe Photoshop b) Microsoft Excel c) Microsoft Publisher d) Microsoft Word 25) Ano ang layunin ng desktop publishing software? a) Para magpadala ng mga email. b) Para mag-print ng mga spreadsheet. c) Para lumikha ng invitations, posters at iba pa. d) Para mag-type at gumawa ng mga simpleng dokumento. 26) Bakit mahalaga ang paggamit ng "templates" sa desktop publishing? a) Para madaling magsimula gamit ang pre-designed na layout. b) Para mag-save ng dokumento nang mabilis. c) Para makapag-type ng mas maraming teksto d) Para magdagdag ng mga larawan. 27) Ano ang layunin ng "Margins" sa desktop publishing? a) Para i-print ang dokumento sa mas malaking papel. b) Para maglagay ng espasyo sa paligid ng teksto. c) Para gawing mas malaki ang dokumento. d) Para maglagay ng mga larawan. 28) Paano gumawa ng invitation card gamit ang publishing document? a) Gamitin ang template para sa imbitasyon at idagdag ang mga detalye. b) -type lang ang impormasyon nang walang format. c) I-print agad nang walang pag-check d) Gumamit ng template para sa ulat. 29) Paano mo magagamit ang desktop publishing skills sa paaralan o trabaho? a) Para mag-install ng software. b) Para mag-save ng email attachments. c) Para gumawa ng simpleng text documents. d) Para mag-design at mag-print ng mga imbitasyon o brochures. 30) Paano gamitin ang "Text Frames" sa desktop publishing upang mapabuti ang layout? a) Maglagay ng teksto sa mga partikular na bahagi ng pahina. b) Magdagdag ng mga larawan sa dokumento. c) Mag-print ng dokumento. d) Mag-save ng dokumento. 31) Ano ang tawag sa software na ito ginagamit para gumawa ng mga spreadsheet? a) Adobe Photoshop b) Microsoft Excel c) Microsoft PowerPoint d) Microsoft Word 32) Ano ang tawag sa mga kahon sa spreadsheet kung saan mo inilalagay ang mga numero at teksto. a) Cells b) Pages c) Slides d) Table 33) Bakit mahalaga ang paggamit ng "Formulas" sa spreadsheet? a) Para madaling magkalkula o mag-solve ng mga numero. b) Para magdagdag ng mga larawan. c) Para mag-print ng dokumento. d) Para mag-format ng mga font. 34) Ano ang ginagawa ng "Sort" feature sa spreadsheet? a) Naglalagay ng mga icons, larawan, tables at video. b) Nagda-download ng spreadsheet sa PDF format. c) Nag-aayos ng mga cell sa alphabetical order. d) Nagpapalit ng mga kulay sa mga cell. 35) Paano ang maganda at maayos na paggamit ng spreadsheet o Microsoft Excel? a) Gamitin para sa pag-format ng mga dokumento. b) Gamitin para magplano, mag compute ng gastusin. c) Gamitin para mag-save ng mga email attachments d) Gamitin para magdagdag ng mga larawan sa dokumento. 36) Paano gamitin ang "Charts" feature sa spreadsheet para ipakita ang data? a) Mag-format ng mga font at number sa mga cells. b) Magdagdag ng mga bagong sheets sa tab. c) Ipakita ang data sa biswal na paraan. d) Maglagay ng mga larawan at bidyo 37) Paano makakatulong ang paggawa ng listahan ng mga hakbang sa pag-aalaga ng alagang hayop? a) Para malaman kung paano mag-computer games. b) Para matutunan ang iba’t-ibang klaseng salita at kilos. c) Para makahanap ng bagong mag-aalaga sa iyong hayop. d) Para hindi makalimutan ang mga dapat gawin sa iyong alaga. 38) Paano mo magagamit ang algorithm upang mapabuti ang paggawa ng sandwich? a) Gumawa ng listahan ng mga sangkap, kagamitan, at hakbang. b) Tingnan ang mga larawan ng sandwich sa internet. c) I-print ang mga larawan ng sandwich. d) I-save ang recipe sa isang text file. 39) Bakit mahalaga ang paggamit ng flow chart sa pagpaplano ng proyekto? a) Para mag-print ng kopya. b) Para matandaan ang mga detalye. c) Para makahanap ng bagong ideya. d) Para maipakita ang mga hakbang nang malinaw. 40) Ano ang gagawin kung may maling hakbang sa iyong flow chart? a) Ayusin ang flow chart at itama ang mga sumusunod na hakbang b) Gumawa ng bagong flow chart mula sa simula. c) Huwag pansinin at ipagpatuloy ang proyekto. d) Palitan ang flow chart ng ibang uri ng chart

Výsledková tabule/Žebříček

Vizuální styl

Možnosti

Přepnout šablonu

Obnovit automatické uložení: ?