1) Ginagamit ito para mag-type ng mga titik, numero at mga simbolo.  a) Mouse b) Printer c) Monitor d) Keyboard 2) Ito ang komokontrol sa galaw ng "on screen pointer" a) Printer b) Hard Disk Drive c) Mouse d) Central Processing Unit (CPU) 3) Kadalasang ginagamit upang makita ang nais makausap sa video chat o video conference. Ginagamit din ito upang kumuha ng larawan a) Hard Disk Drive b) Desktop Camera c) Monitor d) Central Processing Unit (CPU) 4) Ito ang nagsisilbing utak ng computer. Matatagpuan ito sa loob ng System Unit. Ito ang responsable para sa pagbibigay-kahulugan at pagpapatupad ng karamihan sa mga utos mula sa iba pang hardware at software ng computer. a) Central Processing Unit (CPU) b) Speaker c) Desktop Camera d) Flash Drive 5) Ito ay katulad ng telebisyon. Dito lumalabas sa pamamagitan ng display ang mga impormasyon na nanggagaling sa computer a) Monitor b) Desktop Camera c) Compact Disk d) Central Processing Unit (CPU) 6) Ginagamit ito upang maimprenta o mailimbag sa papel ang mga dokumento o larawan mula sa computer.Ginagamit ito a) Hard Disk Drive b) Keyboard c) Printer d) Mouse 7) Dito lumalabas ang sound o tunog na galing sa computer. a) Speaker b) Printer c) Desktop Camera d) Mouse 8) Ito ay isang uri ng midyang imbakan (storage media) na ginagamit ng mga computer. a) Mouse b) Hard Disk Drive c) Desktop Camera d) Keyboard 9) Ito ay isang digital optical disc data storage format na pinagsama-samang binuo ng Philips at Sony upang mag imbak at mag-play ng mga digital audio recording. a) Flash Drive b) Compact Disk c) Mouse d) Desktop Camera 10) Ito ay isang aparato na ginagamit para sa imbakan ng data na may kasamang flash memory at isang pinagsama-samang interface ng Universal Serial Bus (USB). a) Printer b) Flash Drive c) Compact Disk d) Central Processing Unit (CPU)

Mga Bahagi ng Computer (Input, Output and Storage devices)

Tabla de clasificación

Estilo visual

Opciones

Cambiar plantilla

¿Restaurar actividad almacenada automáticamente: ?