1) Isang mahabang salaysay sa mga pangyayaring naganap sa buhay na kung saan ay nahahati sa kaba-kabanata. a) Nobela b) Sanaysay c) Maikling Kuwento 2) Binubuo ang nobela ng ______________na mga salita. a) 45, 000 - 50, 000 b) 60, 000 - 100, 000 c) 60, 000 - 200, 000 3) Ang mga pahina na maaaring mabuo nito ay ____________________________. a) 1000 - 3000 b) 300 - 1,300 c) 200 - 800 4) Nanawagan sa talino ng guni - guni. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 5) Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 6) Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 7) Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 8) Nagbigay inspirasyon sa mga mambabasa. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 9) Maraming ligaw na tagpo at kaganapan. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 10) Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsusulat ng nobela. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 11) Malinis at maayos ang pagkakasulat. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 12) Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 13) Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ay sarili at lipunan. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 14) Gumigising sa diwa at damdamin. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 15) Dapat maging malikhain at guni-guni ang paglalahad. a) Layunin ng Nobela b) Katangian ng Nobela 16) Ito ay isang elemento na kung saan ay kinapapalooban ng lugar at panahon ng mga pinangyayarihan. a) Tauhan b) Tagpuan c) Banghay 17) Isang uri ng tauhan na kung saan ay nagbabago ang ugali o kinikilos. a) Lapad b) Bilog c) Parihaba 18) Sila ang mga nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa isang akda. a) Tauhan b) Tagpuan c) Kasukdulan 19) Isang uri ng nobela na tungkol sa pag-iibigan. a) Romansa b) Pag-ibig c) Kasukdulan 20) Uri ng nobela na binibigyang - diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na. a) Romansa b) Kasaysayan c) Layunin 21) Ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nailathala upang siguraduhin na walang anomang paglaban sa pamahalaang Kastila. a) Commission Permanente de Figura b) Commission Permanente de Censura c) Commission Permanente de Iskultura 22) Dalawang uri ng nobela sa Panahon ng Kastila. ( DALAWANG SAGOT PARA SA BILANG 22 - 23) a) Panrelihiyon b) Mapanghimagsik c) Mapagsisikapan 23) Tatlong panahon na umiral sa kasaysayan ng nobela sa panahon ng Amerikano (Para sa bilang 24 - 26) a) Aklat Bayan b) Ilaw at Panitik c) Malasariling Pamahalaan d) Liwayway e) Sugod Pamahalaan 24) Mga halimbawa ng mga pahayagan na pinaglalathalaan ng mga nobela. (Para sa bilang 27 - 29) a) Ang Kapatid ng Bayan b) Muling Pagsilang c) Ang Kaliwanagan d) Liwayway 25) Manunulat na nagpasimula ng paglalathala ng mga nobela sa pahayagan. (Para sa bilang 30) a) Lope K. Santos b) Severino Reyes c) Liwayway Arceo 26) Anong panahon na hindi naging maunlad ang nobela. (Para sa bilang 31) a) Panahon ng Kastila b) Panahon ng Amerikano c) Panahon ng Hapon 27) Ano ang naging problema ng mga manunulat sa panahon na iyong sagot sa bilang 31. (Para sa bilang 32) a) Lapis b) Kuwaderno c) Papel 28) Ito ay estilong ginagamit ng mga manunulat para hindi lantad o hayagan ang mga gusto niyang sabihin. (Para sa bilang 33) a) Alamat b) Pahiwatig c) Nobela 29) Mga pangyayaring nagpapakita ng pagiging mabuti o kahusayan sa isang bagay. (Para sa bilang 34) a) Kagandahan b) Kabutihan c) Katotohanan 30) Mga kondisyon ng mga katangiang nakasasaya sa isipan o pamantayang moral. (Para sa bilang 35) a) Kagandahan b) Kabutihan c) Katotohanan 31) Ito ay humuhubog sa pagkatao ng tauhan at nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwneto. (Para sa bilang 36) a) Tagpuam b) Tauhan c) Tunggalian 32) Anong panahon ito nabuo, nobelang Noli Me Tangere at El Filibustero. (Para sa bilang 37) a) Kastila b) Hapon c) Amerikano 33) Anong panahon ito nabuo, nobelang Salawahang Pag-ibig. (Para sa bilang 38) a) Kastila b) Hapon c) Amerikano 34) Anong panahon ito nabuo, nobelang Tatlong Maria. (Para sa bilang 39) a) Kastila b) Hapon c) Amerikano 35) Anong panahon ito nabuo, nobelang Luha ng Buwaya (Para sa bilang 40) a) Kastila b) Republika c) Amerikano 36) Sino ang may - akda ng nobelang "Mabuhay Ka Anak". (Para sa bilang 41) a) Pin Pina b) Pin Yathay c) Pin Thayo 37) Siya ang nagsalin ng akdang Mabuhay Ka Anak sa Filipino. (Para sa bilang 42) a) Liwayway Arceo b) Ruth Elynia S. Mabanglo c) Lualhati Bautista 38) Ang tawag sa mga mananakop sa Cambodia. (Para sa bilang 43) a) Khmer b) Khmer Rouge c) Kimer Rodge 39) Siya ang pumalit kay Sihanauk na nagdulot ng hindi maganda sa bansang Cambodia. (Para sa bilang 44) a) Putpot b) Pol Pot c) Pol pol 40) Ang tawag sa mga nakatira sa Cambodia. Ibang tawag bukod pa sa Cambodian. (Para sa bilang 45) a) Khmir b) Khmere c) Khmer 41) Sino - sino sa sumusunod ang mga anak ni Pin Yathay? (Para sa bilang 46 - 48) a) Sudath b) Nawath c) Istaud d) Sundath 42) Sino - sino ang mga naging asawa ni Pin Yathay? (Para sa bilang 49 -50) a) Sati b) Annie c) Selena d) Sundath

MAHABANG PAGSUSULIT - FILIPINO 9

Tulostaulu

Visuaalinen tyyli

Vaihtoehdot

Vaihda mallia

Säilytetäänkö automaattisesti tallennettu tehtävä ?