1) Ito ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. a) Replektibong sanaysay b) Posisyong papel c) Lakbay-sanaysay d) Photo essay 2) Ito ay pahayag na ginagamit upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba. a) argumento b) sintesis c) konklusiyon d) posisyon 3) Uri ng talumpati ayon sa layunin na isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon. a) Impormatibo b) Nang-aaliw c) Nanghihikayat d) Okasyonal 4) Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng replektibong sanaysay. a) curriculum vitae b) learning log c) reaksiyong papel d) diary 5) Ito ay ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip. a) Cognitive b) Metacognition c) Brainstorming d) Mapanuring pag-iisip 6) Magiging mabisa ang pagkatuto sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng _________. a) paggawa b) pagtatanong c) repleksiyon d) imahinasyon 7) Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng replektibong sanaysay. a) personal at subhetibo b) nangangailangan ng mataas na antas ng pag-iisip. c) gumagamit ng deskriptibong wika d) kinakailangangang gumamit ng ikatlong panauhan. 8) Tama o Mali. Ang replektibong sanaysay ay isang paraan upang magpahayag ng paninindigan. a) Tama b) Mali 9) Tama o Mali. Sa pagsulat ng photo essay tiyakin na sariling mga larawan lamang ang gagamitin. a) Tama b) Mali 10) Tama o Mali. Ang mananalumpati sa talumpating extemporaneous ay nabibigyan ng mahabang panahon upang paghandaan ang kaniyang talumpati. a) Tama  b) Mali 11) Sa pagbuo ng photo essay mahalagang pamilyar sa pipiliing paksa. Mahalaga rin kung kikilanin ang mambabasa. a) Tama ang dalawang pahayag. b) Mali ang dalawang pahayag. c) Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawa. d) Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawa. 12) Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng posisyong papel. a) nakabatay sa fact na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilatag na argumento. b) gumagamit ng kolokyal at impormal na lengguwahe. c) pinag-iisipang mabuti ang lahat ng maaaring gawin upang matamo ang layunin. d) gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan.

Rebyu sa Filipino 12

Ranking

Estilo visual

Opções

Alterar modelo

Restaurar arquivo salvo automaticamente: ?