1) Saan nagtungo si Basilio habang naghahatinggabing misa na sa San Diego? a) sa bayan b) sa matandang gubat na dating pagmamay-ari ng mga Ibarra c) sa lumang tahanan ng mga Ibarra 2) Ano ang mayroon sa hinintuan ni Basilio na isang bunton ng mga bato? a) Ito ang puntod ng kanyang ina. b) Ito ang pinagtaguan niya ng kayamanang binigay sa kanya 13 taon na ang nakalilipas. c) Dito niya nakita ang kanyang kapatid na si Crispin. 3) Paano naabot ni Basilio ang lahat ng mayroon siya sa kasalukuyan, gaya ng pag-aaral? a) Naabot niya ito dahil siya ay nagtrabaho sa Maynila bilang kargador. b) Naabot niya ito dahil tinanggap siya ni Kapitan Tiyago sa kanyang tahanan bilang utusan. c) Naabot niya ito dahil sa salapi mula sa lalaki sa gubat. 4) Bakit bahagyang nabago ang kapalaran ni Basilio sa ikatlong taon niya sa San Juan de Letran? a) dahil naging mabuti na sa kanya ang guro nilang Dominiko b) dahil pinagkatuwaan siya ng gurong Dominiko ngunit napahiya lamang sa kanya ang guro kaya't hindi na siya tinawag pa buhat noon. c) dahil hindi niya nasagot ang mga tanong ng guro sa kanya sa klase 5) Bakit inudyukan ni Kapitan Tiyago na lumipat sa Ateneo si Basilio? a) Masama pa rin ang loob ni Kapitan Tiyago sa mga prayle. b) Mas mura daw ang matrikula sa Ateneo. c) Nais ni Kapitan Tiyago na lumipat ng tahanan si Basilio 6) Ano talaga ang kursong nais ipakuha ni Kapitan Tiyago kay Basilio? a) medisina b) abogasya c) pagtuturo 7) Kailan nagsimulang manggamot si Basilio? a) sa kanyang ikalimang taon sa medisina b) sa kanyang ika-apat na taon sa medisina c) sa kanyang ikatlong taon sa medisina 8) Ano ang plano ni Basilio sa kanyang pagtatapos ng pag-aaral? a) Babalik siya sa San Diego at pakakasalan si Juli upang mabuhay ng tahimik at maligaya. b) Babalik sa San Diego at maghihiganti sa mga nang-api sa kanyang ina at kapatid. c) Hindi na siya babalik sa San Diego at isasama na lamang sa Maynila si Juli saka magpapakasal.

EL FILI - KABANATA 6 (Si Basilio)

Ranking

Estilo visual

Opções

Alterar modelo

Restaurar arquivo salvo automaticamente: ?