1) Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis. a) Expansionary b) Contractionary c) Patakarang Piskal d) Buwis 2) 2. Sino ang nakikinabang sa buwis na binayad ng mga Pilipino sa pamahalaan? a) Ang mga manggagawang Pilipino b) Ang mga taong walang trabaho c) Ang mga taong biktima sa mga sakuna tulad ng sunog, bagyo at COVID 19 d) Ang lahat ng mga mamamayang Pilipino 3) Ano ang tawag sa patakarang piskal na ipinapatupad tungkol sa pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang maiwasan ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin? a) Contractionary b) Expansionary c) Patakarang Piskal d) Implasyon 4) Sa iyong palagay, kailangan bang magpatupad ng Expansionary Policy ang ating pamahalaan kung matatag at malusog na ang ekonomiya ng bansa? a) Oo, dahil tungkulin nito na masiguro ang kaayusan ng pamumuhay ng bawat mamamayan ng bansa. b) Oo, dahil marami pa ring Pilipino ang naghihirap. c) Hindi muna dahil walang rekomendasyon ang pangulo. d) Hindi muna kung hindi naman kailangan upang mabalanse ang ekonomiya ng bansa at maiwasan ang implasyon. 5) Paano kaya maaapektuhan ang ekonomiya ng ating bansa kung hindi agad malunasan ang pandemyang dala ng COVID 19? a) Kakalat ang pandemya sa buong mundo. b) Magkakaroon ng budget deficit. c) Mararanasan ng bansa ang tinatawag na hyperactive economy d) Maraming tao ang magugutom at madadapuan ng virus. 6) Dahil sa pandemya maraming bahay-kalakal ang nagsara at marami ang nawalan ng trabaho. Paano sila matutulungan ng pamahalaan upang maibalik ang sigla ng ekonomiya? a) Magpapautang ng may mababang tubo ang pamahalaan sa mga bahay-kalakal. b) Magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa lahat ng mga bahay- kalakal. c) Ititigil muna ng pamahalaan ang pangogolekta ng buwis sa mga bahay-kalakal. d) Tuturuan ng pamahalaan ang bahay kalakal ng tamang diskarte upang muling makabangon 7) Alin sa mga sumusunod na gawain ang halimbawa ng expansionary policy? a) Paggasta ng pamahalaan para mapaunlad ang kalidad ng edukasyon ng bansa. b) Pagbili ng pamahalaan ng mga testing kits para sa COVID 19. c) Pagpapauuwi sa mga OFW upang mailigtas sa COVID 19. d) Paggasta ng pamahalaan para sa Build, Build Program ng Pangulong Duterte. 8) Alin sa mga patakarang piskal ang nakapagpapababa ng unemployment rate? a) Contractionary b) Expansionary c) Patakarang Piskal d) Implasyon 9) Nailagay sa hamon ang ekonomiya ng bansa nang dahil sa pandemyang dala ng COVID 19, bilang kasapi ng iyong pamilya paano ka makatutulong upang makapagtipid sapang-araw-araw na pangangailangan? a) Pansamantalang magtipid muna sa pagkain upang hindi madaling maubos ang ayudang ibinigay ng pamahalaan. b) Maging responsable sa pagamit ng mga electric appliances upang maiwa-san ang paglobo ng electric bill. c) Magsuot ng face mask at sumunod sa physical distancing. d) Maging alerto sa skedyul ng pamimigay ng ayuda upang hindi ka maubusan. 10) Sa iyong palagay, kailangan bang magpatupad ng Expansionary Policy ang ating pamahalaan kung matatag at malusog na ang ekonomiya ng bansa? a) Oo, dahil tungkulin nito na masiguro ang kaayusan ng pamumuhay ng bawat mamamayan ng bansa. b) Oo, dahil marami pa ring Pilipino ang naghihirap. c) Hindi muna dahil walang rekomendasyon ang pangulo. d) Hindi muna kung hindi naman kailangan upang mabalanse ang ekonomiya ng bansa at maiwasan ang implasyon.

AP 9_Q3_MODYUL 5_Patakarang Piskal (Eco-Quiz)

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?