1) Alin sa sumusunod ang hindi pakay o intensiyon ng talumpati? a) magmulat b) makipagtalo c) magpatunay d) mangatuwiran 2) Kung ikaw ay isang mananalumpati, anong katangian ang kinakailangan mo upang lubusan na maunawaan ng mga tagapakinig ang mensahe na iyong nais na ipahayag sa tagapakinig? a) maikling impormasyon ang ihayag b) mapanghikayat sa mga tagapakinig c) pagbibigay-pansin sa mga tagapakinig d) may kalinawan ang nilalaman ng talumpati 3) Si Mae ay kabilang sa komite sa palihan (seminar) na kung saan pag-uusapan ang mga mahahalagang paksang may kinalaman sa health protocols na ipatutupad sa kanilang komunidad. Bilang bahagi ng komite, naatasan siyang ipakilala sa tagapakinig ang magiging pangunahing tagapagsalita sa palihan. Anong uri ng talumpati ang ibibigay ni Mae? a) Talumpati ng Pagpapaalam b) Talumpati ng Pagsalubong c) Talumpating ng Pagpapakilala d) Talumpating Nagpapaliwanag 4) Sa uri ng talumpating ito nilalayon mong magbigyan ng kaalaman ang iyong mga tagapakinig gamit ang mga biswal na kagamaitan na may kaugnayan sa paksa. a) Talumpati ng Pagpapaalam b) Talumpati ng Pagsalubong c) Talumpating ng Pagpapakilala d) Talumpating Nagpapaliwanag 5) Si Jay An ay isang vlogger at empleyado sa isang banko na kung saan ang kadalasang nilalaman ng kanyang bidyo ay ang pag-impluwensya sa manunuod hinggil sa iba’t ibang paraan ng pag-iimpok ng pera sa panahon ng pandemya. Sa aling uri ng talumpati kaya nabibilang ang nilalaman ng kanyang bidyo? a) Talumpati ng Pagpapaalam b) Talumpati ng Pagsalubong c) Talumpating Nanghihikayat d) Talumpating Nagpapaliwanag 6) Ang paghahanda sa ganitong tipo o anyo ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan. a) Impromptu b) Ekstempore c) Memoryadong Talumpati d) Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng Manuskrito o Piyesa 7) Ang Engineering Department ng Cebu ay nagbigay ng proyekto para sa karagdagang hospital sa syudad. Bago simulan ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad ay nagkaroon muna ng programa ang opisyal ng Cebu. Si Gov. Garcia ang nagbigay ng pangunahing mensahe para sa programa. Anong uri ng talumpati kaya ang inilahad ni Gov. Garcia? a) Inagurasyon b) Talumpati ng Eulohiya c) Talumpati ng Pamamaalam d) Talumpati ng Pagsalubong 8) Ang principal ng La Salud Academy ay ililipat na sa ibang kampus. Bago ang paglisan niya sa paaralang pinaglingkuran ng limang taon ay nagkaroon muna ng maikling programa para sa kaniya. Anong uri ng talumpati kaya ng maririnig sa programa? a) Talumpati ng Eulohiya b) Talumpati ng Pagsalubong c) Talumpati ng Pamamaalam d) Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala 9) Sa pagsusulat ng isang talumpati, mayroon itong tatlong bahagi, ang panimula, katawan, at wakas. Alin sa mga bahaging ito kaya nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. a) Simula b) Katawan c) Wakas d) Kongklusyon 10) Nagwagi ng unang gantimpala si Hidilyn Diaz sa Olympic weightlifting noong nakaraang taon. Nang siya ay makabalik na sa Pilipinas binigyan siya ng programa bilang parangal sa kanyang pagwawagi. Anong uri ng talumpati ang inaasahang ibigay para kay Hidilyn? a) Talumpati ng Eulohiya b) Talumpati ng Pamamaalam c) Talumpati ng Pagsalubong d) Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala 11) Isa sa mga kamag-anak ni Ian ay sumakabilang buhay na kung kaya sa naging burol nito ay nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang kamag-anak. Anong uri ng talumpati ang isinagawa ni Ian? a) Talumpati ng Eulohiya b) Talumpati ng Pamamaalam c) Talumpati ng Pagsalubong d) Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala 12) Maraming mag-aaral ang sumali sa organisasyon ng Josenian Debatista kung saan isa sa naging gawain nila ay binigyan sila ng paksa at on the spot na inilahad ang kanilang ideya rito. Ano ang ipinapahiwatig ng nabanggit? a) Impromptu b) Ekstempore c) Memoryadong Talumpati d) Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng Manuskrito o Piyesa 13) Magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalumpati ang mga mag-aaral na napabilang sa Samahang Wika na kung saan binigyan sila ng paksa at mahabang panahon upang makabuo at maisaulo ang kanilang nilikhang talumpati. Sa inilahad na sitwasyon, ano ang ibig ipabatid? a) Impromptu b) Ekstempore c) Memoryadong Talumpati d) Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng Manuskrito o Piyesa 14) Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan. a) Impromptu b) Ekstempore c) Memoryadong Talumpati d) Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng Manuskrito o Piyesa 15) Ito ay biglaang talumpati na binibigkas. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita. a) Impromptu b) Ekstempore c) Memoryadong Talumpati d) Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng Manuskrito o Piyesa

PASULIT 3 - TALUMPATI

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?