1) Ayon sa nobelang "Si Anne ng Green Gables," ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Matthew Cuthbert? a) Sakit sa balat b) Dengue c) Katandaan d) Sakit sa Puso 2) Batay sa nobelang "Si Anne ng Green Gables," sino ang kaklase ni Anne Shirley na madalas siyang tawaging "carrots" at pabirong hinahatak ang kaniyang tirintas? a) Diana Barry b) Cedrick c) Stacy d) Gilbert Blythe 3) Batay sa nobelang "Si Anne ng Green Gables," madalas na tuksuhin si Anne Shirley ng "carrots" ng ibang tao. Ano ang dahilan kung bakit tinatawag siyang "carrots?" a) Mahilig siyang magtanim ng carrots b) Kulay carrots ang kaniyang buhok c) Paborito niyang kainin ang carrots d) Ang kaniyang balat ay kulay carrots 4) Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng kahulugan ng positibong pananaw sa buhay katulad ng katangian ni Anne Shirley? a) Hindi nagpapadala sa pamimintas ng ibang tao. b) Hindi nagpaapekto sa naging nakaraan . c) Patuloy na nangarap sa kabila ng hamon sa buhay. d) Naging matatag sa buhay upang makapagyabang. 5) Masasalamin sa nobelang "Si Anne ng Green Gables," maituturing ba si Anne Shirley bilang salamin ng kabataan sa kasalukuyang panahon? a) Oo, sapagkat katulad ng mga kabataan sa panahon ngayon, si Anne ay kayang ipagtanggol ang sarili sa mga namimintas sa kaniya. b) Oo, sapagkat ipinakita sa akda na katulad ng mga kabataan ngayon, si Anne Shirley ay mayroong positibong pananaw sa buhay. c) Hindi, sapagkat si Anne Shirley ay madaling panghinaan ng loob dulot ng mga nararansang problema sa buhay d) Hindi, sapagkat si Anne shirley ayon sa nobela ay nagpakita ng pagiging mayabang at pamimintas sa kaniyang kapwa.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?