1) Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa. a) Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisip at kilos ng tao. b) Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir c) Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos d) Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao. 2) Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa: a) Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga. b) Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal. c) Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao. d) Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values). 3) Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud? a) Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan. b) Magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang mabuti ang ginagawa sa tao. c) Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit. d) Nagiging Mahalaga ang buhay dahil sa birtud. 4) Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. a) Pagpapahalaga b) Birtud c) Gawi o Habit d) Pagpapakatao 5) Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa nasagawa ng isang kilos.  a) Habit o gawi b) Birtud c) Pagpapahalaga d) Intelektwal na birtud 6) Ano ang tawag sa pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga? a) Moral na birtud b) Ganap na Pagpapahalagang Moral c) Pagpapahalagang Kultural na Panggawi d) Pagpapasya 7) Ang gawi ng _____________ ay ang pagtingin sa lahat ng panig upang makakalap ng datos bago magpasya. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumaraan sa birtud na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral. a) Agham(Science) b) Moral na Birtud c) Maingat na Paghuhusga (Prudence) d) Karunungan (Wisdom)Karunungan (Wisdom) 8) May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao. a) Katarungan (Justice) b) Agham(Science) c) Moral na Birtud d) Sining (Art) 9) Ang _____________ ang nagtuturo sa atin na lumikha sa tamang pamamaraan. a) Sining (Art) b) Pagtitimpi (Temperance o Moderation) c) Katatagan (Fortitude) d) Karunungan (Wisdom) 10) Ang buhay sa mundo ay puno ng suliranin at pagsubok. Kung minsan, sa tindi ng pinagdaraanan, nanghihina na ang ating loob at nawawalan na tayo ng pag-asa. Kung kaya, mahalagang taglay natin ang birtud na maglalayo sa atin sa ganitong damdamin,ito ay ang _______________. a) Birtud ng katatagan b) Birtud ng Pagtitimpi c) Birtud ng Katarungan d) Maingat na Paghuhusga 11) Ang ________________ ay uri ng birtud ang nagtuturo sa atin upang igalang at hindi kailanman lumabag sa karapatang pantao na kaugnay ng ating tungkulin sa Diyos, sa kapwa at sa ating sarili. a) Birtud ng katatagan b) Birtud ng Pagtitimpi c) Birtud ng Katarungan d) Maingat na Paghuhusga 12) Nabubuhay ang tao sa isang mapanuksong mundo. Maraming inihahain ang mundo sa ating harapan na maaaring magtalo ang ating pagnanasa at katuwiran. Anong uri ng birtud ang dapat nating taglayin upang maiwasan ang tukso o masamang Gawain? a) Maingat na PaghuhusgaMaingat na Paghuhusga b) Birtud ng Katarungan c) Birtud ng Pagtitimpi d) Birtud ng katatagan 13) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng banal na pagpapahalaga? a) pagbili ng luho b) pagtulong sa kapwa c) pagdarasal d) pagkain ng masusustansyang pagkain at pag- eehersisyo 14) Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan. a) Pambuhay b) Pandamdam c) Banal d) Ispiritwal 15) Bakit tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga ? a) Dahil ang puso ng tao ang hindi dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at isip ang nararapat pairailan. b) Dahil ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi nauunawaan ng isip. c) Dahil ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian. d) Lahat ng nabanggit 16) Si Darwin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na may kakayahan sa buhay. Kung kayat hindi na sya nag hanap ng trabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang gumala kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Darwin? a) Pambuhay b) Pandamdam c) Banal d) Ispiritwal 17) Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam. Ito ay halimbawa ng? a) Pambuhay b) Pandamdam c) Banal d) Ispiritwal 18) Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. a) Pambuhay b) Pandamdam c) Ispirital d) Banal 19) Si Mica ay walang ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral. Sa panahon na labis na ang kanyang pagod ninais niyang magbakasyon upang makapagpahinga. Nasa anong antas ang halaga si Mica? a) Pambuhay b) Pandamdam c) Ispirital d) Banal 20) Si Juan ay labis-labis ang kayamanan ngunit ganoon pa man pinili niya ang tulungan ang mga batang nasa lansangan at siya ay nagbibigay ng donasyon sa mga charity. Nasa anong antas ang halaga si Juan? a) Pambuhay b) Pandamdam c) Ispirital d) Banal

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?