1) Ano ang paborito mong lugar dito sa Pilipinas? Bakit? 2) Anong pagkaing Pilipino ang gusto mong subukan? 3) Ano ang paborito mong salita sa Filipino? Saan mo ito natutunan? 4) Ano ang tourist spot na gusto mong sunod na mapuntahan? 5) Ano ang salita sa Filipino ang pinakamahirap bigkasin? 6) Anong pagkaing Pilipino ang sa tingin mo ay masyadong overrated? 7) Anong pagkaing Pilipino ang hindi mo tatanggihan kahit busog ka na? 8) Anong pelikula o palabas sa Pilipinas ang iyong napanood? 9) Sa iyong palagay, sino ang pinakasikat na Pilipino? Bakit? 10) Ano ang pinakapaborito mong karanasan dito sa Pilipinas? 11) Anong uri ng transportasyon ang gusto mong subukan sa Pilipinas? 12) Ano ang gusto mong matutunan sa Filipino ngayong taon? 13) Ano ang pinakagusto mong panahon dito sa Pilipinas? 14) Anong probinsya dito sa Pilipinas ang gusto mong bisitahin? 15) Ano ang unang impresyon mo sa Pilipinas? 16) Kung makakausap mo ang isang mamamayang Pilipino, anong lugar sa iyong bansang pinagmulan ang ipapayo mo sa kanya na puntahan? 17) Kung mayroon kang kapangyarihan na baguhin ang isang bagay sa Pilipinas, ano ito at bakit mo ito nais baguhin? 18) Anong kultura o tradisyon sa Pilipinas ang gusto mong subukan? 19) Ano ang pinakamasarap na pagkain na natikman mo dito sa Pilipinas, at saan mo ito unang natikman? 20) Ano ang pinakamasamang karanasan mo dito sa Pilipinas? (bagyo, lindol)

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?