1) Laging nananalangin si Jessa na pumasa siya at siya ay naniniwala na tutulungan siya ng panginoon. Ito ba ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos? a) Opo b) Hindi po c) Ewan ko  po d) Hindi po totoo ang Diyos 2) Paano mo maipinakita ang pagmamalasakit sa kapwa? a) Tawanan sila. b) Talikuran sila. c) Tumulong sa mga nangangailangan. d) Ipagmayabang ang pera mo at wag silang tulungan 3) Naaksidente ang iyong kaibigan at matatagalan bago siya makakalakad. Ano ang maipapayo mo sa kaniya upang magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang problema na kanyang hinaharap? a) Sabihan na bihira lang ang nabubuhay diyan. b) Sabihan ang kaibigan na wag na magdasal c) Manalangin at magtiwala uli sa panginoon d) Sisisihin ang mga taong walang itinulong sa kanya. 4) Mayroon kayong gagawing proyekto sa ESP. Napagdesisyunan  ng inyong grupo na mag-ambagan para sa proyekto ngunit  ang isa mong kaklase ay walang pera at may natira ka pang  barya sa bulsa. Ano ang gagawin mo a) Ibigay sa kanya ang natira mong barya bilang tulong sa proyekto. b) Huwag siyang pansinin. c) Ireklamo ang hindi niya pagbigay ng pera d) Pautangin siya pero bibigyan ng malaking tubo. 5) Sabay na nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Erika pero hindi sila nawawalan ng pag-asa at patuloy na naghahanap ng bagong trabaho. Ano ang magandang katangian ng mga magulang ni Erika? a) Pagtitiwala sa kanilang sarili. b) Pagtitiwala sa sarili at sa Diyos.. c) Pagkadismaya sa nangyari. d) Pagyayabang iba na kaya nilang makahanap ng trabaho agad.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?