1) Bakit mahalaga ang agrikultura sa mga pamayanan sa Pilipinas ? a) nag-aalok ng modernong teknolohiya sa pagtatanim. b) pinapaganda nito ang mga bakuran ng mga tahanan c) nagbibigay ito ng kabuhayan sa maraming pamilya at nagsusustento sa pangangailangan sa pagkain d) pinapalakas nito ang industriya ng mga pabrika 2) Paano makakatulong ang intercropping sa mga magsasaka sa Pilipinas a) Pinapabilis nito ang pagtubo ng mga tanim b) Nababawasan nito ang pesteng sumisira sa mga halaman at nagpapataas ng kita sa iba’t ibang uri ng tanim. c) Nagiging mas magaan ang trabaho ng magsasaka dahil mas kaunti ang mga halaman. d) Hindi na kinakailangan ng pataba sa sistemang ito. 3) Alin sa mga sumusunod na alternatibong paraan ng paghahalaman ang pinakaangkop sa mga lugar na may kakulangan sa lupa ngunit sagana sa tub a) Dish Gardening b) Contour Farming c) Hydroponics  d) Urban Gardening 4) Paano nakakatulong ang paghahalaman sa kapaligiran upang maiwasan ang polusyon? a) Pinipigilan nito ang pagdami ng peste b) Nakapagbibigay ito ng lilim at sariwang hangin c) Nagbibigay ito ng karagdagang kita para sa pamayanan d) Nagiging sanhi ito ng mabilis na paglaki ng mga puno 5) Alin sa mga sumusunod na batas ang nagbibigay ng gabay sa pagpapatupad ng organikong pagsasaka sa Pilipinas? a) RA 8749 - Clean Air Act b) RA 9003 - Ecological Solid Waste Management Act c) RA 10068 - Organic Agriculture Act of 2010 d) RA 9262 - Anti-Violence Against Women and Children Act 6) Bilang isang estudyante, paano mo mapapakinabangan ang mga serbisyo ng Agricultural Training Institute (ATI) para sa paghahalaman? a) Makakakuha ka ng libreng serbisyong medikal b) Makakakuha ka ng diskwento sa mga produktong gulay c) Makaka-attend ka ng mga pagsasanay ukol sa teknolohiya at makabagong pamamaraan ng pagtatanim d) Makakakuha ka ng scholarship para sa kurso sa agrikultura 7) Si Patricio ay kilala sa pagtatanim ng pakwan, honeydew, at papaya sa Isabela. Anong katangian ang mahalaga upang maging matagumpay tulad niya sa sektor ng paghahalaman? a) Pagiging masigasig at maparaan b) Pagkakaroon ng maraming manggagawa c) Pagtutok lamang sa isang produkto d) Pag-asa sa kapwa magsasaka para sa teknolohiya 8) Alin sa mga katangian ang pinakaangkop sa isang matagumpay na magsasaka tulad ni Senen Bacani, na nagpatakbo ng malaking plantasyon sa Mindanao? a) Pagsunod lamang sa tradisyon b) Pagtitiwala sa iba c) Pagiging maparaan at may dedikasyon d) Pag-iwas sa pagbabago 9) Bakit mahalaga ang paggawa ng compost sa pangangalaga ng mga pananim? a) Para magkaroon ng mabangong lupa. b) Para mapabilis ang pagtubo ng damo sa paligid ng mga tanim. c) Para mapataas ang kalidad ng lupa at mapanatili ang sustansya nito. d) Para mabawasan ang mga peste sa hangin. 10) Paano makakatulong ang vermicomposting sa paggawa ng organikong pataba? a) Pinapabilis nito ang pagkabulok ng plastik at mga basurang hindi nabubulok. b) Ginagamit ang mga bulate upang mapabilis ang pagkabulok ng mga organikong materyal at lumikha ng masustansyang pataba. c) Ginagamit nito ang mga kemikal upang patayin ang mga peste sa lupa. d) Tinutulungan nitong mapigilan ang pagdami ng mga damo sa paligid ng mga tanim 11) Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang kapag pipili ng lugar na pagtataniman ng halaman? a) Laki ng lugar b) Bilang ng mga kasangkapan c) Uri ng halaman na itatanim d) Dami ng mga tao sa paligid 12) Ano ang unang hakbang sa natural na paraan ng pagtatanim ng halaman na dapat isagawa upang matiyak na maayos ang pagtubo ng halaman? a) Diligan ang halaman kaagad pagkatapos itanim b) Gumawa ng plano o layout ng lupang pagtataniman c) Bungkalin ang lupa gamit ang asarol at piko d) Patagin ang lupa gamit ang kalaykay 13) Alin sa mga sumusunod ang magandang halimbawa ng halamang maaaring itanim na matatagpuan sa bakuran ? a) Bougainvillea b) Cactus c) Talong d) Manga 14) Ito ay talaan ng kaalaman tungkol sa panahong umiiral sa iba’t-ibang lugar ng kapuluan at kung anong halamang gulay ang naangkop itanim a) Talaarawan b) Talasalitaan c) Journal d) Kalendaryo ng Pagtatanim 15) Bakit mahalagang alamin muna ang uri ng lupang tataniman ng mga halamang ornamental bago magtanim? a) Para mas mabilis magtanim. b) Upang angkop ang lupang tataniman c) Upang mabago ang lupang taniman d) Upang angkop ang halamang itatanim 16) Pagpapalaki ng halaman upang gawing palamuti sa kanilang mga dingding a) Dish Gardening b) Hydroponic farming c) Vertical gardening d) Aquaponics 17) Ito ay proseso ng pag-aayos o paghahanda ng lupa sa pamamagitan ng pagbukas, pag-angat, paggawa ng pagtataniman a) Pagbubungkal b) Pagdidilig c) Paglalagay ng baklad d) Pagpupunla 18) Alin sa mga sumusunod na palatandaan ang nagpapakita na handa na ang mga prutas para anihin? a) Nagiging malambot at kulay dilaw ang prutas b) Nagiging malutong at mabigat ang prutas c) Nagiging mabango ang prutas d) Lahat ng nabanggit 19) Sa anong paraan makatutulong ang pagbubungkal ng lupa sa paglaki ng mga halaman? a) Mas nakukuha ng ugat ng halaman ang mga sustansya mula sa lupa b) Nasisira ang mga sustansya sa lupa kaya hindi ito dapat gawin madalas c) Nababawasan ang posibilidad na bumilis ang paglaki ng mga halaman. d) Nabubungkal ang mga ugat ng ibang halaman kaya mas mabilis silang mamamatay. 20) Isa itong teknik ng mano-manong pag aani gamit ang kamay sa pagpitas ng prutas, dahoon, gulay at iba pa. a) Pagbubungkal b) Mano-manong pag-aani c) Pag aani ng Makina d) Pag aani gamit ang Kagamitang Pangkamay 21) Ito ay paran ng pagbili ng maramihan a) Pakyawan b) Piraso c) Tingian d) Por Kilo 22) Tumutukoy sa perang naipon o nakamit para gamiting pag-uumpisa sa isang negosyo a) Pagtutuos b) Kita c) Puhunan d) Gastos 23) Tumutukoy sa kita o karagdagang halaga na naiiwan pagkatapos bawasan ang lahat ng gastusin at puhunan mula sa kabuuang kita ng negosyo a) Puhunan b) Kita c) Gastos d) Tubo 24) Tumutukoy sa pagkukuwenta, pagsasaayos, at pagtatala ng mga gastusin o kita sa isang negosyo. a) Pagtutuos b) Tubo c) Puhunan d) Kita 25) Ipinagbili ni Aling Nena ang mga inaning kamatis. Kung ang kinita niya ay ₱1,200 at ang puhunan niya ay ₱800, ano ang kanyang tubo? a) ₱200 b) ₱400 c) ₱300 d) ₱500

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?