1) Ito ay isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman at hayop. a) Agrikultura b) Hydroponics c) Aquaponics d) Traditional Farming 2) Ang mga pananim na mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, tabako at iba pa ay madalas kinukonsumo hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati na rin sa labas. Anong sangay ng agrikultura ang tinutukoy dito? a) Agri-Business b) Agronomiya c) Forestry d) Horticulture 3) Ito ay mga halamang tinanim muna sa kahong taniman at pag tumubo na tsaka ilalagay sa lupa. a) Intercropping b) Di-tuwirang Pagtatanim c) Tuwirang Pagtatanim d) Contour Farming 4) Ang pamamaraan ng pagtatanim na ito ay gumagamit ng dalawa o mahigit pang halaman sa iisang lugar ng lupa sa loob ng isang taon sa halip na iisa lamang a) Intercropping b) Multiple Farming c) Kultibasyon d) Contour Farming 5) Ito ay tungkol lumalagong mga halaman kung saan ang mga ugat ay nasuspinde sa hangin. Nakukuha ng mga halaman ang mga nutrisyon sa isang solusyon na nakabatay sa tubig na naihatid sa mga ugat ng isang pinong ulap o hamog. a) Aquaponics b) Aeroponics c) Hydroponics d) Dish Gardening 6) Isa sa mga pinakasikat na uri ng pagtatanim noong panahon ng pandemya. Bukod sa tipikal na indoor plants, marami ang sumubok sa pagpapalaki ng mga sariling gulay at prutas—kahit man ang mga nakatira sa siyudad kung saan hindi ito madalas makikita a) Containerized Gardening b) Dish Gardening c) Urban Gardening d) Vertical Gardening 7) . Ito ay tinatawag din na Miniature Garden – isang malaking lugar na pinaliit tulad ng isla. a) Containerized Gardening b) Dish Gardening c) Urban Gardening d) Vertical Gardening 8) Ano ang isang benepisyong dulot ng paghahalaman sa kapaligiran? a) Nakapagpapadami ng basura. b) Pagkakaroon ng ingay sa paligid c) Nakakadagdag ng mga peste. d) Nakapagpapanatili ng malinis na hangin 9) Alin sa mga sumusunod na ahensya ng gobyerno ang pangunahing tumutulong sa mga magsasaka sa Pilipinas? a) Department of Health (DOH) b) Department of Agriculture (DA) c) Department of Education (DepEd) d) Department of Environment and Natural Resources (DENR) 10) Ito ay may layuning itaguyod at suportahan ang organikong pagsasaka bilang isang estratehiya para sa makabuluhang pag-unlad ng sector ng agrikultura kasama na ang pagtutok sa eksportasyon nito a) Republic Act No. 10068 b) Republic Act 9003 c) Republic Act No. 10631 d) Republic Act No. 8485 11) Siya ay kilalang magsasaka ng dragon fruit at tagapagtaguyod ng organikong pagsasaka at pangagalaga ng kalikasan a) Arsenio Barcelona b) Editha Dacuycoy c) Jose Mercado d) Senen Bacani 12) . Lumaki siya sa isang coffee farm sa Lipa Batangas, nap ag-aari ng kanyang ama, at ginugol ang kanyang mga taon ng pagkabata sa pagtulong sa kanyang ama na paunlarin ang taniman ng kape a) Arsenio Barcelona b) Senen Bacani c) Jose Mercado d) Editha Dacuycoy 13) Isang proseso ng paggawa ng compost gamit ang isang basket o anumang uri ng sisidlan kung saan ang mga tuyong dahon at damo, balat ng prutas at gulay at mga dumi ng hayop ay binubulok sa isang sisidlan na may kasamang lupa. a) Basket Composting b) Abonong Organiko c) Compost pit d) Fermented fruit juice 14) Ito ay paghuhukay sa lupa kung saan ilalagay ang mga nabubulok na mga bagay para gawing pataba a) Intercropping b) Crop Rotation c) Relay Cropping d) Compost Pit 15) Narito ang kabutihang naidudulot ng paggamit ng organikong pataba, maliban sa isa. Alin kaya ito? a) . Nakatutulong upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran b) Nakapagbibigay ito ng masaganang ani para sa mga magsasaka c) Ligtas ito sa kalusugan ng tao. d) Hindi epektibo sa pagpapalago ng mga pananim.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?